Thursday, September 30, 2004

The More, The Gayer

Aliw ako this past few days. Andami ko kasing nadiskubre dito sa blog world. Pakshet, ba't ngayon ko lang nadiskubre ang live journal ni Tukso 75?! Grabeng libog dun, hindi ako makahinga! Wholesome kasi ako eh. Hindi ko kaya mga pinangagagawa nya. Charos! :D Pero totoo ha! Hemingway, dahil sa blog na yun, na-realize ko na shet, invaded na rin pala ng mga bading ang blog world. (Uy, sensha na, wala kasi sa bokabularyo ko ang bisexual at straight curious kaya pagbigyan nyo na :D ) Kaya happy ako ngayon! Ang iba nga sa kanila nasa tag-board ko pa. Kung alam nyo lang, wala talaga akong kaalam-alam sa mga kabadingan sa mundo maliban na lang na nagnanasa ako sa kapwa ko lalake. Bwahahahaha :D Yun lang ang alam ko kaya salamat sa inyo, nabuksan ang mga mata ko. Kaya link ko na kayo! Friendship na tayo! :D Alam ko na jologs ako (bakya nga raw sabi nung isa) at di nyo ka-level pero we all have the same blood naman di ba?! Pareho tayong mga bading! Kaya mabuhay ang mga vakla! Bwahahahaha :D

O sha, naiiyak na ako dito sa Queer Manifesto ni boi_bitch! Tama na.... ayoko ng drama.... :D

2 comments:

boi_bitch said...

hijo, mag-haloscan ka na lang kaya. it's more blogger-friendly.

but seriously, the Queer Manifesto is really very powerful. very life-affirming, too. :)

chuayjai said...

betch! :D kaw naman! hija PO. hindi hijo. :D

seriously din, la talaga akong alam sa internet stuff so i don't know kung deserving akong magka halo. okay na yata 'to for me.