Friday, December 24, 2004

Merry Christmas Everybody, Happy New Year Too!

Magbu-beauty rest muna ako mga beckys. Tutal haba naman ng previous entry ko, next shir na ako babalik sa blog na toh.

Kaya greet ko na lang kayong lahat ng Maligayang Pasko! Sana iselebrate natin ang tunay na diwa ng Kapaskuhan. Uy, seryoso ako! :)

Shempre magpapasalamat na rin ako sa inyo dahil 44 views per day lang naman ang becky blog na toh! :D Yabang! :D

Pero more than nething, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga naging friends ko through this blog. Sabi ko nga, achievement talaga saken na maging frens kayo kasi nga anti-social talaga ako in real life at sana nga tuluy-tuloy na ako sa pagiging comfortable sa aking pagiging becky. (Ang saya maging becky! Hahahaha :D )

Shout out to...

Boi Bitch - My Ate Becky. Sobrang nice ng taong to. Actually too nice to be true kaya kung xenical kang tao like moi, parang akala mo hindi sya totoo. Pero totoo eh. Talagang nice sya. Andami kong natutunan sa kanya. Parang gay mentor ko na nga eh. I heart you Ate Becky! :D

Slate - Gorgeous A-Gay ever. Sya ang nag-organize ng first blogger's EB na kasama ako and for that, heart ko rin siya. Sobrang inii-encourage nya ako! Tapos sobrang ang bait nya sa akin. Muwah! :D

Advent - Gorgeous A-Gay din! Hehehehe :D Sobrang saya nyang kasama. Makikita mong sincere talaga siya sa pakikitungo niya. Basta, Red Box tayo one of these days. Tatalunin ko kayo mga Regine fans ever!

Patago, Bullish1974, Kengkeng, Myrrh - Di ko pa sila nami-meet pero parang tagal na naming friendships pag nagchachat kami sa YM o sa text. Basta, I'm looking forward to meeting you mga Beckys. Sana nexshir nga!

HankPank, Peej, Brown Cow, Toffee, Tennister, Angelomilco - Di pa tayo ganon ka-close pero I heart you all! I heart ur blogs and I heart when you comment on my blog. Hehe :D Sana we'll get more close. Hehehe :D

At sa mga kadidiscover lang ng blog ko, Emmanslayer, Kiko, Bryan, Swim_Bud, Mr Schizophrenic, sino pa ba, basta, I heart you all!

Sana isa sa inyo maging papa ko next year!!!! HAHAHAHAHAHA :D

Come to think of it, sobrang excited na ako for next year! Todo karir na 'to! HAHAHAHAHA :D

Bang Bang Ali

Heller mga Beckys! Sensha na at ngayon lang ulit maguupdate ang lola nyo. Naging bz kasi masyadow. Alam nyo na, Christmas parties and everything. Heniways, let me make kwento na lang what happened to me last Monday night. EEEEEEEEK! Kawindang talaga ever. Alam nyo naman ako, naka dalawang meet ups na di va?! Eh mga nice naman mga naka meet up ko sa dalawang times na yun kaya akala ko ready na ako kahit ano pang meet up na mangyari. Sabi ko pa, I'm ready to face the world (debutante ang drama ever! :D) Akala ko tama ako. WROOOOOOOOONG!!!! Coz sobrang nawiwindang pa rin ako hanggang ngayon sa nangyari last Monday night. Kase ganto yun, I have this chatmate kashe from IRC na sobrang matagal na kaming nagchachat. Actually, di ko na talaga matandaan ang pinagchachat namin kasi di ko naman siniseryoso ang MIRC. Ang matatandaan ko lang, nag DCC sya ng pic niya sa ken, nakita kong hmmmmm cutie in fairnesss. Kaya hayun, karir!!! Hahahaha :D Naging ka-YM ko sha, naging ka-friendster ko pa. Pero hanggang dun na lang yun. We lost in touch na after kasi yun nga, di ko naman talaga siniseryoso yung mga nakakakachat ko sa MIRC tsaka irregular chatter naman talaga ako kasi nga la naman akong personal PC before.

So neways, wala lang kami for 2 years nang biglang out of the blue, mega-invite siya na mag-EB kami. Shempre naku-kyutan ako sa kanya sa pictures kaya GOOOO!!!! Wa care!!!! Hahahahahah! GO GIRL attitude ang lola nyo ngayon. Kaso (pang-ilang kaso ko na ba to?!), sa hindi malaman na dahilan, palaging nauudlot ang meet-up namin. Sabi ko, siguro nga we're not meant to be (we're not meant to be daw o?! hahahaha :D).

Teka, naguguluhan na ako masyado sa pinagsusulat ko. San na nga tayo ulit?!

Hayun! Last Monday night, I texted him na parang wala lang. Parang sabi ko "San rampage mo tonight?!". Avah, ang lola, nag text back, "Inuman kami ng friends ko sa bahay, lika, punta ka dito!". Naexcite shempre ako kasi di va antagal na naming binalak mag meet up na di matuloy tuloy (anobuzz, paulit ulit ako! :D). Kaso (pakibilang ng kaso), naka-OO na ako sa friendships ko in the real world for gimmick that night kaya sabi ko sa kanya, habol na lang ako after. Past midnight na and i'm still with my real world friendships, textan pa rin kami ever. Sabi niya, "halika na...". Sabi ko, "me cute ba diyan? Bigyan mo ako ng cute papa!" Hahahahaha :D Shempre kilala nyo naman ako, balahura lang sa words pero hindi naman ako ganon ka-flirtatious in real life noh. Pero hala! Mukhang sineryoso niya. Sabi nya, "OO! Hihintayin ka nila! Basta lika na!". Call me naive (yey, naive!) pero I really thought na kapag ang isang ka-EB nag-iinvite sa yo na pumunta sa condo nya para mag meet up kayo, sa isip ko, ganon lang talaga, chika lang talaga (talaga!) :D (Parang naririnig ko si Boi_Bitch in his trademark "Gaga!" expression. Hehehe). Buti na lang hindi naman ako ganon ka-Ethel Booba. Medyo nakasense na ako when I texted him saying na "Uy, 2am na, baka wala na akong maabutan diyan." Ang ate! Biglang nag-text back at sabi "Dito silang lahat matutulog. Dito ka na rin matulog." Yun na! NATAKOT ANG MATRONIX DIVA nyo ever! Kinutuban na ako! Hmmm....kabog! kabog! kabog! Okay, fine, ninerbyos ako bigla!

Feeling mangga ako that night (mangga, meaning manggagamit, another becky term from boi_bitch) dahil natakot nga ako sa text na yun, so sabi ko sa isa kong girlalo na friendship na may sasakyan, "Frenshep, may ka-EB ako sa "toot", hatid mo naman ako dun oh!". Buti na lang game mode si frenship at kasama ang isa pa naming girl frenship, willing silang samahan ako sa aking meet-up. Siyempre hindi naman ako bastos and sinabi ko naman sa aking ka-eyebol na may girlalos akong kasama. Sabi ko ihahatid lang ako.

Nawala kami sa directions na ibinigay ni ka-EB kaya tinawagan ko sya. Okay ang boses nya in fernezz kaso mas lalo akong ninerbyos nang nag side comment sya sa mga kasama niya after giving me the directions na hindi pa nau-off ang phone niya kaya naririnig kong sinabi niyang "Hayan na, paparating na sya, magpapapogi na ako!". Ooooh noooo!!!! :D Maria Clara mode ako. Mas lalo akong natakot. Kaya sabi ko sa girlalo frenships ko, "Samahan nyo na lang ako please. Kahit konting chika lang para at least mameet ko na siya pero alis din agad tayo."

Dumating na rin kami sa bahay ng ka-EB ko at true enough, andun ang mga friends nya at naghihintay. LAHAT SILA NAKA-BOXER SHORTS! I AFRAIIIID!!!!! Huhuhu!!!! Sobrang I tried to be poised, at give them my friendliest smile. In fernezz to them, kahit na mukhang bangag na sila, they were all friendly naman. Si ka-EB ko, nakibeso pa sa akin like we're long lost friendships. Naging honest naman ako. Sabi ko nininerbyos ako kaya dinala ko girlalo frens ko. Ang bait nga ni ka-EB. Inalok nya mga girlalo frens ko na magkape sa pad niya. Since magpapark pa ang girlalo friendships ko, nauna na si ka-EB at nakasama ko na lang second BF niya (aaaaaaaaaaah! ANG POGI i swear!!!!! pero tingnan mo tong si ka-EB, may first bf na na nasa states, me second BF pa dito sa pinas, tapos nakikipagflirt pa saken! Hanobazz! Ayokong maging Mano Po 4! hehehehe :D) I interviewed Papa Second BF para hindi lumabas pagkaniyerbyos ko. Sabi ko sa kanya "So matagal na kayong magfriends ni Ka-EB?!" NALOKAH ako sa sagot niya! Sabi sa akin "Actually nagmeet lang kami sa coffeeshop!!!" HUWAAAAAT?! Kabog! Kabog! Kabog! ulit ang heart ko. Sabi ko, "Ah...yung kasama nyong dalawa ang friends talaga niya?!" Sagot naman ni Papa Second BF, "Actually ngayon ko lang na-meet yung isa na-meet nung isa thru Friendster at nameet naman ng ka-EB mo sa mall!" AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!! Tama talaga ang desisyon ko na isama ang mga girlalo friendships ko.

Hayun nagkape na kami at chikahan and sobrang I tried my chika best pero parang ewan...parang I feel na my girlalo friendships and I interrupted them or something. Ang tahimik nila sobra and they were giving me this sobrang weird look on their faces. Meaningful glances. Alam nyo yun. Para kaming mga alien ng girlalo frenships ko. (Later, my girlalo frenship told me nakasmell sya ng juts.)

Kaya tuloy bigla kong naisip....

NAIMBITA BA AKO SA ISANG ORGY? Kayo mga bakla, sagutin nyo nga ako! Tama ba ako?!

Sabi ng isa kong becky blogger friendship, Assumpionista raw ako and sana nga tama ako. Alam kong baka nagbabasa din dito si ka-EB ko kaya sorry po kung assumpionista ako.

OF COURSE, hindi ako judgmental na tao. Kanya-kanyang gimik lang naman kasi yan. Actually kung totoo nga, nakaka-flatter nga ang mainvite diva?! Pero hindi ko kaya! I SWEAR!!!!!!! AAAAAAAAAAAAH!!!!!!

After umalis kami ng girlalo frenships ko dahil sobrang long silence na at parang may "hanobuz, ba't may babae dito" look sila, tinext ako ni ka-EB. Sabi nya (uy sensha na, naflatter lang kasi ako sa text nya, once sa isang dekada lang to nangyayari saken), "mwah! cute mo in person! date tayo pagbalik ko from the states! mwah!". (Sa states kasi sya magbabakasyon) AWWWWWWWWWWWWW......hahahahaha :D

KASO (last kaso na to) kung totoo mang naka-jutz sila as my girlaloo insists, baka nga bangagers lang si ka-EB kaya nya na-text yun. HAHAHAHAHAHAHA :D

Sayang, cutie pa naman siya. Pero kung magti-text siya talaga na sober sya at mag-aask for a date, I think kakagatin ko. OO! Kahit na may BF na siya sa States at may BF pa siya dito sa Pinas! HAHAHAHAHAHA :D Date lang naman eh! Tsaka gusto ko lang maka-experience ng first date, pagbigyan nyo na! Pero uy, wag kayong mag-alala, I don't believe in premarital sex kaya walang mangyayari! HAHAHAHAHAHAHAHAHA :D

Adventure ang gabing yun, in fernez!!!!

Thursday, December 16, 2004

A Very Becky Entry

Hay, I wrote too soon. Habang nagsurf ako ng mga blogs kanina, nabasa kong pupunta sa Oblation Run sina Becky Toffee at Becky Advent. Hahahahah :D Vakei is so last week. Becky is IN! Eh natandaan kong tinext ako ni Advent pagkatapos nung meet up nung Sabado na gusto nyang manood ng Oblation Run kaya may I text ako agad sa kanya kung tuloy ba sila ni Toffee. Sabi nya yes kaya kahit na andami ko pang labada at paplantsahin bilang chimaa, wa care! GO to Oblation Run ever! Sabi nga ni Becky Advent, pagdating sa kanotahan, go lang ng go! Hahahahahaha :D That time, nagkataon din na tinext ako ng aking Ate Becky sa trabaho at nandun na pala siya sa peyups. So sabi ko sa kanya, chure, kita tayo tapos meet natin blogger frenships ko. Hayon, nawala sina Becky Advent sa sea of haliparot and maelyang girls, boys beckys and tiborcias kaya di kami nagkita sa Oblation Run mismo. Pero shempre enjoy ang matronix diva nyo with Ate Becky. Dalawang beses dumaan sa harap namin ang mga running titi's kaya happiness! Sigaw ako ng sigaw, kunyari naeeskandalo! Hahahaha :D Heto pa, yung pangalawang beses nilang pagdaan, natanggal ang maskara nung isang running titi kaya kailangan nyang tumuwad para kunin ito. Shempre yung mga nasa likod nyang running titis kailangang mag-stop for a while. And nag stop and talk a while sila sa harap namin ever!!!!! Hahahahaha! Blushing lola ang drama ng Lola Chuayjai nyo. Okay lang mga titis nila. Pinoy na pinoy! Hahahahah :D Yoko nang magcomment, eskandalosa na ang post na itoh!!!!

Heniway, after the Oblation Run, nagkita na rin kami sa wakas ni Becky Advent. Me kasama siyang officemate, si Becky Toshi. Mukhang nag enjoy ang dalawang Bru! Hahahaha :D Pero wala si Becky Toffee, hano kayang nangyari dun? Hayun, intro ko sila sa aking Ate Becky at lunch kami sa Chateau Verde. Chika galore ever! Becky talk to the max!!!! :D Nakakahiya nga kasi yung resto na yun, mga 60's-70's (edad yun) yata ang market at kami lang ang mga bata, mga noisy beckys pa, nakakakaloka!!!! Hahahahaha :D While kain kami, dumating na rin ang isa pang Becky friendship ni Advent, si Becky Paolo. Mmmmmmm....I smell karir! UTANG NA LOOB HINDI AKO HA, kundi isa sa mga beckys dun. Hahahahahahahaha :D Feeling ko pa naman siya yung type ng aking Ate Becky. I want my Ate Becky to be happy kasi. Nung papunta na nga kami sa kotse ni Ate Becky, pinaupo ko si Becky Paolo near the driver's seat. Pero shempre, parang iba ang karir ni Becky Paolo. Hahahahahaha :D Hano ba, masyado akong eskandalosa!

Kelangan kong pumunta ng Ali Mall (ALI MALL! Hahahahaha! Becky na becky!) to do some personal stuff (yikes, to do some personal stuff) and the other Beckys were kind naman to accompany me. Hinatid lang kami ni Ate Becky dun and hayun, chika na na naman kami ever. Mga kabeckyhan, ano pa nga bah! Tapos yun, punta kaming Gateway, chika chika chika.... Hahahahaha :) Hayon dahil sa kaelyahan ko, hindi ko na naman matapos tapos ang trabaho ko. Sana naman matapos ko na ngayon para magka day-off ako. Haaay, hano pa ito, 2nd meet up in a week! Napagod ang lola nyo. Pero sabi ko nga sa sarili ko, sige na nga, meet na lang ng meet ng mga bagong Beckys hoping na finally ma-meet ko na rin ang Papa Becky na para sa aken. Charrooooos! Hahahahahahah :D

Hay nakoh, sana nga talaga matapos ko na tong trabaho ko tonight. May gusto kasing makipag-meet up sa Sabado. Hano ba to, karir ever! Last na talaga to for this year! Last na to, I hope! Ang landi landi ko na! Hahahahahahah :)

Takbo Papa Oble, Takbo!!!!

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!!! Pwede akong manood ng Oblation Run ngayon pero nahihiya ako!!!!!!!!!!!!!! La akong mahanap na kasama!!!!!! Hahahahahahaha :D I swear nung college ako, di ako nag-aabsent sa event na itech!!!! Ito lang kasi time ko para makakita ng etits ng iba!!!! Hahahahahahahaha :D Yung first time shempre, nahirapan ako kasi parang wala akong makita. Ang fangit pala ng mga hindi nakatayong etits ng mga noypi! Hahahahahaha! Pati mga gerlalu friends ko nadisappoint ever!!!! Hano ba to, nagsasalita ako as if wala akong patotoy. Hahahahahaha :D Pero wa care! Pila pa rin ng pila sa Oblation Run every year! Shempre, natatawa ako nun kasi nag mi-may I observe ako na maraming mga outsider na manang gays na pumupunta talaga sa campus makakita lang ng etits ng iba. Hahahaha :D Kaya ngayon, shy akong manood kasi feeling ko, isa na ako sa kanila. Nahihiya ako! Waaaaaaaahhhh!!!! Hay, hanggang pictures na lang talaga beauty ko. Huhuhuhu....:(






Ang sarap sarap bumalik sa eskuwela!! Hahahahaha :D

Sunday, December 12, 2004

First Experience

Sa wakas di na ako virgin!!!!!! Hahahahahahaha :D Na-survived ko ang aking first EB!!!!! Kala nyo kung ano noh?! Hehehehehe :D I-congratulate nyo ako mga vakei! As in todo achievement 'to on my part! Para na rin akong nanalo ng award nito. Ang masaya, todo happiness siya!!! Sobrang nag-enjoy ako! Grabeh, ganon pala ang meet-up (bagong term ng EB kasi ang EB ay masyadong late 90's pa. O di va, me bagong term akong nalalaman?! Hahahahaha)!

Shempre, nagdalawang isip muna ang lola kung pupunta o hindi. Nahihiya kasi ang Lola Chuay nyo. Kung titingnan nyo nga naman kasi blogs ng mga fans ko, mga conyotic at sosyal ang mga yan! Class A-B majority ng audience ko noh?! Hahahahaha :D Kaya horror drama ang genre ng lola. Kaso inisip ko later on, ano nga ba ang mawawala kung pupunta ako?! In the first place (in the first place!!!!) wala naman akong reputasyong pinangangalagaan. Chaka basahin nyo naman blog ko, walang karepu-reputasyon! Hahahahaha :D Kaya hala, sige, GO, Go na sa Mega para sa yong first meet-up!!!!! Grabe, MRT Q Av pa lang ako sobrang lakas na ng kabog ng mga breasts ko. Feeling ko puputok na ang mga utong ko sa nerbyos! Hahahahahaha :D Garapalan na to. Buti na lang nakatulong na nung papasok na ako sa meeting place, nakita ko ang make-up artist friendship ko kasama ang mga vakei friends niya. Kahit di kami masyadowng close ni make-up artist, feeling ko pwede akong maging user friendly sa kanya in case rejected ang drama ng lola nyo sa meet-up! Hahahahaha :D

To make the long story short, sobrang hindi ako nagsisi na pumunta! I swear kung nakita ako ng mga vakei friendships ko, todo jealousy ang magiging drama nila. Eh kasi naman, super duper GORGEOUSNESS, super duper HOTNESS, at super duper COOLNESS (-NESS is so vakei noh?!) ng mga naka meet-up ko na sina Boi Bitch, Advent at Slate! AS IN!!!!! Nagmukha akong chimaa katabi nila! Hahahahaha :D CONYO-NESS nga sila pero oks lang kasi sobrang KINDNESS naman nila. Sabi ko nga kay Boi Bitch nung pauwi na kami, alam mo, sa natural habitat (hano ba, parang hayop! hahahaha :D) i don't think magiging friendship tayo pero yun talaga ang kinagaganda ng blog world, pwede mong maging friendships ang lahat kahit hindi mo ka-species. Hahahahahaha :D

Sa maniwala kayo o hindi, umabot ang aming chikahan hanggang past 3:00 ng madaling araw!!!! Grabeeeh!!!! At andami ko talagang natutunan sa kanila about the vakei lifestyle. Overwhelmed pa nga ako sa info overload!!!! At ang daldal daldal nilang lahat, I swear. Shempre, nahirapan ang lola nyong chumika kasi aside from shy ako, spokening dollars sila kung magsalita. Hahahahaha :D Kailangan kong mag-isip muna pano sasabihin ang mga sasabihin ko. Bwahahahahaha :D Jologs mo talaga Chuay! :D

Bangagers na ba ang labas ng entry na toh?! Hahahaha :D Kauuwi ko lang kasi at gusto kong mag-blog kaagad. Basta ang masasabi ko lang, memorable ang first time ko. Hahahahaha :D Hinding hindi ko siya makakalimutan! So hayan, nasurvived ko na ang aking first meet-up kaya sana sa susunod, first date naman!!!!! Hahahahahaha! Feeling!!! :D Dream on Manang Chuay! :D

Thanks Boi Bitch, Advent at Slate!!!! Shanga pala, mga single at available pa ang mga yan. May I sight nyo lang mga sites nila kung curious kayo about them. (Okay, Chrissy!? :D). They're HOOOOOOOT, I assure you! Hehehehehehehe :D

Wednesday, December 08, 2004

Dorm Thoughts

Nag-jog ako kanina, okay fine, brisk walking lang, sa aking dating unibersidad at napadaan ako sa aking dating dormitory. Wala lang, bigla kong narealize na mga ilang taon rin akong nag-dorm pero bakit walang nangyaring kababalaghan saken. Vakeeet?!!!!? Shet, ngayon ko lang kasi narealize andami palang kapapahan dati sa dorm ko. Syempre ngayon lang narealize ng matronix diva nyo. If i remember, dorm ng mga varsity players ang dorm namin kaya naman, jusko, maglalaway ka talaga sa sarap. Nakakalaglag panty, no, let me change it, nakakabutas brief talaga! Hahahaha :) Heto pa, ngayon ko lang din narealize ba't hindi ako natutong mamboso sa communal shower. Aaargh talaga! Hahahaha! Ang landi landi ko na. Tsaka shempre, talamak naman talaga na binabastos ang mga vakei sa mga dorms pero naiinis ako bakit walang nambastos sa akin ever. Hahahaha :) Nakakainis din pala pag nirerespeto ka masyadow. Hehehe :) If I remember, dun sa kabilang dorm na nandun halos lahat ng mga kabatchmates ko sa freshman dorm, sobra sila! I swear, game na game daw ang mga straight makaraos lang. (Di ako natanggap dun dahil pasaway ako nung freshie. Dami kong curfew violation kaya di ako highly recommended. Hehehe :D) Tapos dun naman sa isang dorm na para lang sa mga kalalakihan, bading ka man o straight, hindi raw pwedeng walang mangyari sa first night nyo dun. Grabe noh?! Siyempre nung college, nasa isip ko bahala nang hindi magdorm, wag lang akong mapunta dun. Pano kaya kung ngayon ako nag-college? Hindi ko rin kaya pipiliin ang dorm na yun? Mmmmm....hindi rin. Hehehe.

Thursday, December 02, 2004

More Aaron

Hay, I'm bored. I'll show Aaron some lovin' na lang. Hehehe :D Can't wait for them to go to tropical countries. Alam nyo na, the topless shots! Hahahahaha :D






Pero alam nyo, parang sumisingit na rin sa puso ko si Papa Freddy kahit na 34 years old na siya. .. :D Ang landi ko dammet! :D



Wag nyo nang pansinin yung mga girls! Panira sila! Lech! :D

Tuesday, November 30, 2004

Usapang Gay Talk

Usapang Gay Talk # 1

May dalawa akong proyekto sa trabaho. Mga bagong tao ang makakasalamuha ko. Pagod ako pero kilig naman dahil medyo cutie yung isa naming kasama dun sa isang proyekto. Gumana rin ang gaydar ko. Sabi ko sa sarili ko, “Kakarerin ko to! Kakarerin ko ‘to!”

Kaso, dahil sa curacha ang lola, kailangan kong iwanan yung proyektong yun. Happiness in return dahil dun sa isa pang proyekto, may isang cutie din na lolo. Sabi ko sa sarili ko, “Kakarerin ko to! Kakarerin ko ‘to!”

Kahapon, nalaman ko na si Karir #2 ay jokla rin pala. Sabi ng chismoso kong straight na kasama dun, nag LQ daw sila ng kanyang jowa na miyembro nung kabilang proyekto. It turns out, magjowa pala sina Karir #1 at Karir #2. Pfft! Vanished ang Lola Chuay! Hahaha :)


Usapang Gay Talk # 2

Dun sa bago kong proyekto, hindi ko maintindihan kong bakit mas magaan at mas ako ako kung kausap ko ang mga straight naming kasama. Nakakasabay pa ako sa mga balahuraan nilang pagsasalita ala Wildboyz. Samantalang di ako masyadong nakakasakay sa usapan ng mga jokla. Tanong ko tuloy sa sarili ko, do I have a straight spirit but a gay soul? Charos! :)


Usapang Gay Talk # 3

Ka-chat ko kaninang madaling araw ang isang college friend. For many years, akala ko talaga straight siya. Sinabihan na ako nung isa kong joklang friend na bading siya pero hindi ako naniniwala. Dinefend ko pa si college friend ng todo. Sabi ko, “Baka hindi profile nya yung nasa tickle.com! Pinaglaruan lang siya!” Many months passed and same jokla friend told me badinger-z nga si college friend. Nakita na naman daw niya ang profile nito sa connexion.org. Since wala akong alam tungkol sa connexion, ginoogle ko ito. Tangna, kabadingan nga! Kaya kanina, I asked my straight college friend straight! Haha :) Tanong ko, “Are you like me? You know!”. Umamin siya sa akeeen.:( Na-sad ako. Wala ng matinong straight sa mundo. Shocking pa revelation nya kung sino ang naging jowa niya.

Usapang Gay Talk # 4

Kinwento ko sa kasambahay ko ang tungkol sa chat na yun. Sabi ko, “Sad talaga ako dahil dinefend ko pa sya sa mga nagba-backstab sa kanya.” Aba, ang lolang kasambahay, sabi ba naman sa akin, “ngayon, alam mo na ang nafi-feel nina toot at toot tuwing dini-defend ka nila noong college na hindi ka bading!” Shocked din ako dun. Hindi ko alam na meron palang mga babaeng nag-akala na straight ako. Hahahaha :)

Usapang Gay Talk # 5
Na-realized namin ni kasambahay na yung isa naming friend na babae, crush pala si college friend na umamin sa akin na bading nga siya. Ang hindi pa naikwento ni kasambahay sa friend naming flame dame ay yung isa pa niyang pamintang crush sa opisina, jokla din at jowa ng isang transvestite. Ang sama pa nito, heartbroken pa rin yung si friend na babae dahil hanggang ngayon, crush pa rin nya yung joklang nakatrabaho niya sa iba namang proyekto. Sana magpalit na lang kami ni friend na babae ng “spirit”, gusto ko ring magka-crush sa mga kapwa ko jokla. :)

Wednesday, November 24, 2004

Latest Reality Papa

O Myrrh sis, post na ako ngayon. Kawindang kang bata ka! Kakapressure! Hehehe :D Basta ngayon, isa lang ang crush ko at gusto ko siyang matikman at malasapan. Hahahahaha :D Siya ay walang iba kundi si Papa Aaron ng Amazing Race 6. Wala akong paki sa personality nya. Gusto ko lang gamitin ang kanyang hubad na katawan. Bwahahaha :D Wannabe actor siya so sana magkakaroon siya ng kangkangan na pelikula para sa ikabubuti ng baklang sanlibutan! :D

Friday, November 19, 2004

Happy Blog Day

It's my blog's first birthday mga vakeis! Wowee, mga one year na pala akong nakipaglandian at nakipagharutan dito! How fast time flies, charos! :D Pero masaya kasi dumadami na ang aking fans. Kung dati mga jologs fans ng showbiz lang ang mga nagbabasa nito (na nakarating sa site dahil nag-google ng hubad+lalake+... hahaha :D) ngayon, aba, sosy na ang lola nyo! Andami kong Class ABC na fans! :D O di vah, ang taray! :D

Kaya nagpapasalamat ako sa inyong lahat na naging bahagi ng blog ko! Dahil sa inyong patuloy na suporta, patuloy akong ginaganahan na magspread ng kabadingan sa buong mundo! Who sez na puro pakikibaka lang ang pagiging bading?! Bwahahaha :D Ano ba itoh, parang nakatanggap ako ng award! :D

O siya, pasensya na at busy busyhan ang matronix diva ngayon. La akong landi pics. Pero kung kayo ay nanood ng Amazing Race 6 premier ep, shux, i think crush ko yung Arron even if he's an ass. Yummylicious. Hehe. :D I still have to decide kung papable din sina Jon and Freddy. :D Sensya na, la akong mahanap na decent pics, er, non-decent pics pala! :)

Arron and what's her name

Freddy and what's her name

Jon and what's her name

Friday, November 12, 2004

Papa Sarge

Hindi naman ako puro menor de edad lang. Sorry to disappoint you mga vakeis, pero i think Sarge is the Hoootest Male Survivor in Vanuatu. I find him cute and sexy, ewan ko ba!? :D Ngayong tinanggal na siya ng mga lesbian biatches, I will sorely miss him. Hehehe :D



Here's John K, para sa mga nasuka na crush ko si Sarge. =)





And here's some Sarge-John K 'lovin...

Wednesday, November 10, 2004

Jologs For Life!

Walang pogi sa SCQ this season, grrrr. In fernez, ganda ng girls nila. Baka mag all female final 5 pa. Neways, kaaliw tong link na to. Live Journal entry ni Quark Henares based sa kanyang SCQ experience as a mentor.

Nevertheless, kahit hindi siya stereotypically guapo pero dahil promdi sya at kamukha niya dati kong crush (hehehe) si Charles ng Davao ang bet ko sa guys. Talented at cute (non-sexual cute, okay?!) din yung Theo ng US! Sa girls, natitibash ako kina Franz, Paw, Michelle, Erich, at Vane! Cutie din yung twins. :D



P.S. Kainis wala akong makitang screencaps nung ballet lessons ng Starstruck! Hehehe :D The guys were wearing tight shorts as in bakat na bakat ang yagbols nila! Bwahahahaha :D OMG, nagnanasa ako sa mga 16 year olds. Crucify me!

Sunday, November 07, 2004

Pumepechay Lang Po

Hay, lang pumapasok sa utak ko. May deadline ako bukas pero walang pumapasok sa utak ko. (Oo na! Sinabi mo na sa first sentence na walang pumapasok sa utak mo, pwede?!?!). Naisip kong magpost ng mga larawan pero tinatamad akong maghanap. Ito ang mga hina-hunting ko ngayon...

JC Cuadrado - Tinitext ako dati ng college blockmate ko na mahal nya tong tadjock na 'to pero di ko kilala eh. Tsaka di ako napogihan at first glance. Taena, ang pogi pala niya sa personal! :D

JC Gonzales - Taena si Bianca, koyah pala nya ito! Di ko talaga sha type kasi masyadong elitistang upper class ang dating niya kaya lang one time, tumawag siya sa phone ko kasi meron silang ifi-feature sa Digital Tour na kasama ko sa trabaho. Siguro naibigay sa kanya nung SP nila na dati kong kaklase sa Peyups ang numero ko. Na tongue-tied ako nung sinabi niyang si JC Gozales siya. Kras ko na siya after....awwww :D

Sarge ng Survivor Vanuatu - Sabi ng frens ko I'm sick daw. I find him cute. Bwahahahahaha! :D

Kirby and Chris ng Starstruck - Sila na ang bets ko. Ayaw ko dati kay Kirby kasi typical meztizo cutie pero me "dark" aura akong nakikita sa batang ito. Kaya nahumaling ako bigla. :D Si Chris naman, lalaking lalaki. Di tulad ni Mike Tan. Hehehehe :D Honga pala, ballet lessons daw sila sa Monday. Naku, bukol galore ito! Dapat ma-record para maslow mo sa bukol parts! Bwahahahahaha :D

Mhyco Aquino and Rodjun Cruz ng Anim-E - Jologs MJ in the making na ba talaga ako?! I just found out their names today. Cutie sila. I heart them! :D

Malapit na pala First Birthday ng blog ko. Mga Vaks, ANONG REGALO NYO SA AKIN?! Wink, wink! ;)

EDITED TO ADD: Katatawag lang ni Kengkeng. Ang Kengkeng ay isang napaka kengkeng na vakla at ngayon ay nasa Boracay kasama ang kanyang Foreigner na Papa! Hahahaha :D It was super nice talking with you Keng! Mag happy pechay ka diyan sa Bora (naks, Bora) wokei?! :D Sana nga magkita tayo before ka bumalik ng Belgium. Sosyal ng ate, opera singer ata sa Belgium. Social climber din ako, gusto kong magka-friendshep ng isang opera singer from Belgium. Galing galing siguro nitong si Keng humawak ng mikropono. Bwahahaahahaa :D

Thursday, November 04, 2004

Matronix Diva

Hahaha! I love the title. Bitch! :D Pero swak na swak talaga to describe urs trulili. Sa edad kong beinte cuatro, ako ay birhen pa sa napakaraming bagay na ukol (which rhymes with bukol:D) sa kabadingan. Ang sinasabi ko lang naman, MYRRH hija, wag kang masyadong desperada, pwede?! Kasi baka agawan mo pa ako ng title ko!!! I don't like! Bwahahahaha :D

Of cors, marami akong insekuridad sa pagkatao ko at sa aking panlabas na anyo kaya parte na rin siguro yun ng rason kung bakit ako matronix. Pero malakas rin siguro ang kadahilanan na ako ay lumaki sa isang konserbatibo na lipunan. Na ang sekswal na usapin ay taboo kumbaga. (At di ko na rin magets ang sarili ko ba't ang lalim ng aking Tagalog. Hahaha :D)

Latebloomer ang lola nyo kasi. Kung noong high school ay may gender issues na kayo, ako, wala. Hahaha :) Never ko talagang pinroblema ang aking pagiging vakei nung high school. I was just being me and hindi ko masyadong kinahon ang sarili ko kahit na may pangungutya na mula sa iba. Siguro ang pinakabrush ko lang ng kabadingan sa high school ay noong ako ay nahipuan sa sinehan habang nanonood ng Batang X. Bwahahahaha :D Nakakatawa man pero totoo, nahipuan ang inyong lola sa murang edad na kinse at dun namulat ang aking mga mata na meron palang kalaswaang nangyayaring ganon. Shempre, na-trauma ako dahil dun at baka hindi lang ako conscious nito pero siguro naging dahilan yun kung bakit nagiging homophobic HOMO ang lola nyo. Hehe :D In short, hanggang ngayon, mas comfortable ako sa mga babae o straight na mga kaibigan. Gusto ko ako lang ang bakla. Ayoko ng may ibang bakla. Hahahahaha :D Kala ko nga yung harassment na yun, di na yun mauulit. Aba, nung college na ako, sa UP Film Center mismo, nangyari na naman! Talagang napamura na lang ako sa galit at inis! Lesson learned: Pag nanonood ka ng sine na mag-isa, umupo ka katabi ng isang family (o di ba wholesome?! :D) o di kaya ay tumabi ka sa mga magjowa (wawa nga lang ang magjowa dahil hindi sila makakaiskor dahil nandun ka! Bwahahaha :D)

Alam nyo naka-tira na naman ako! Bangag na bangag na naman ang dating nitong pinagsusulat ko! Haha :D

Nung year 2002, dun lang ako naka-experience ng isang semblance of a lovelife (na di na naulit up to ngayon.) Naglalakad ako nun sa Philcoa papuntang Mercury Drugstore nang biglang meron akong nakabanggang isang lalake (ang tangkad niya, like shoulder length lang ang height ko sa kanya) at nagkatinginan kami ng konti. Laking gulat ko na lang ng sinusundan na ako ng binatang yaon. Natakot ang lola nyo. Nung lumapit na siya, sabi ko, "sorry po, hindi po ako naghahanap ng colboy!" HAHAHAHA :D Na-offend ang lola. Sabi ba naman sa akin "Hindi ako colboy, gusto ko lang makipagkilala." Hayun, to make the long story short, nanligaw si ISKO. Isa syang delinquent UP Psych student that time.

Gusto ko mang magkajowa pero ewan ko ba, naaasiwa ako sa panliligaw nya. Well, unang una, hindi ko sya type kaya siguro ganon. Pero pangalawa, natatawa kasi ako kasi napaka-cliche ng panliligaw nya. Aral sa textbook at pelikula ang lola nyo kaya natatawa ako kasi parang heller, parang nabasa ko na 'to o napanood sa sine. Sobrang cliche at formulaic, nakakatawa na kumbaga. Ang bastos ko pa nga, tumatawag siya sa telepono minsan sa office para lang itula sa akin ang POEM na sinulat niya pero ang lola, pag tumutula na siya, binibigay ko ang telefono sa officemate ko. Kukunin ko na lang ulit pag tapos na siyang tumula. Hahahaha :D Alam ko ang sama ko kaya lang baka kasi matawa ako sa kakornihan ng sitwasyon! Hahaha :D To make things worse, he calls me "pangga!" as in yakkers talaga! Bwahahaha :D Tapos ano pa nga ba ulit yun, ayun nagbibitaw siya ng mga "I wanna grow old with you" na linya na talagang nakaka-OFF. Ang CORNY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Eeeeeeh! Hehehehe :D In the first place, mas bata sya sa akin ng 2 taon, tapos ganon na ang lines nya. Kadiri ha!!! :D

Ang last straw talaga ay yung supposedly magmi-meet kami for CINEMANILA. Megamol pa ang cinemanila noon. Ang palabas, Amores Perros. Aba, nung nasa megamall na kami, gusto nya siya ang magdala ng bag ko! Gusto pa niya akong akbayan!!! Sabi ko, please, pwede ko namang dalhin ang bag ko eh!!! Tapos pwedeng pakibaba ng kamay mo sa balikat ko?! (ALAM KO, iniisip nyo, ang ganda naman ng lola nyo! Hahahahaha :D). Naaasiwa na talaga ako kasi pinagtitinginan na kami ng mga officemates ko. By the way, planting yung moviehouse scene sa taas ha, kasi nung nanood na kami ng Amores, aba, si Mr. Suitor, kung saan saan na nakaabot ang mga kamay. To make the long story short na talaga, pissed off ang lola nyo! Amores Perros yung palabas! Amores Perros yun! Respetuhin mo naman! Hahahahaha :D

Sabi ng frenships ko, "ang ganda mo! kaisa isa mong manliligaw, binasted mo pa!". Nakakatawa nga namang isipin. Pero iniisip ko rin, hindi ako ganon ka desperado noh?! Marami pang LIFE kesa LOVE LIFE o SEX LIFE (Take that Myrrh!:D) O siguro nga naman, talagang hindi pa ako handa. Or baka naman dahil talagang wala akong nararamdaman sa kanya!!! As simple as that!!! At yes, oo, I admit insecure din ako. If I remember, one time, tinanong ko siya, "sigurado ka ba sa ginagawa mo sa akin? I mean, do you picture US having sex?" Sabi nya, "Oo naman! Ikaw ba hindi?" Hindi ako makasagot. Kasi ang magiging sagot ko sana ay HINDI.

Ah shanga pala, fatso ako nung year 2002. Sabi nya sa akin, gusto nya ako coz I look like Vandolph (before the accident daw). PFFFT!!!! Yun pala! Yun ang dahilan kung bakit sya nabasted. HAHAHAHAHA :D

P.S. I'm so trying hard to look for pics of the 2 JCs - Cuadrado and Gonzales pero la akong mahanap. Help me please! :D

Monday, November 01, 2004

Sa Wakas

Sa wakas, nakapasok na rin ako sa BED. Bwahahahaha :D Kauuwi ko nga lang eh. Kaya lang gusto kong magpost muna bago mag beauty sleep. (Haaay, katakot takot na naman na trabaho ang maghihintay sa akin mamaya...betch yung bago naming amo. Grrrr, kainis sha!)

Nagsimula ang araw ko mga 2 pm na. May insomnia kasi ako ngayon. Sakit sakit pa ng ulo ko paggising ko. Shempre bad news agad ang sumalubong sa akin. Tinawagan ako nung isa ko pang bosing sa bahay para sabihing pangit yung trabaho ko kaya bad mood ang lola nyo. Hahaha! Nanood muna ako ng SCQ Reload (sayang walang utong shot this ep) bago natulog ulit dahil ang sakit talaga ng ulo ko sa itaas. Hehehe :D 9pm na ako nagising dahil sa tawag ng mga kasamahan kong chimaa. Inaantay na nila ako. Alam kong mag ma Malate kami pero di ako excited kasi nga alam kong me tatrabahuin pa akoh. Tapos tumaba pa ako kaya ayokong magpakita sa mundo. Yung masikip na teeshirt na binigay sa akin, hindi na nagkasya. Kailangan ko na talagang mag ehersisyo.

Hay, to make the long story longer, (bwahahaha! :D) videoke muna kami sa Providence. In fernez, andaming kapapahan. Masakit pa rin ang ulo ko pero wa care. Super birit ako ng Boom Shakalak at Sweat Alalalalong! (Hindi nyo alam yun noh?! :D) Natapos kami mga 2am na. Hindi na namin alam kung ano ang next na gagawin. Eh yung isa kong girl frenship gusto mag Libis kasi nandun ang kras niya. Sabi ko, a-yo-koh! Gusto kong pumunta ng BED. Kaso ayaw naman nila. Kaya sadness ang lola. Palakad lakad kami sa Malate, di pa rin namin alam ang pupuntahan. Kaya umuwi na lang yung iba pa naming friends. Hanggang sa ang natira na lang ay ako, si girl frenship, at ang 2 ko pang pamhin frenship na live-in jowa in real life. Abah, to my pleasant surprise, itong sina live-in jowa in real life, interesado palang mag BED at nahiya lang magsabi nung marami rami pa kami. Kaya nabuhayan muli ang loob ng lola nyo! Napapayag na rin namin si girl frenship na pumasok. Sa wakas! =)

Ang masasabi ko lang, daaay, hindi pang BED ang beauty ko. Super CULTURE SHOCK ako pagpasok pa lang. Alam nyo naman ang lola di ba, matrona, at nakapunta na sa mga girlie bar pero virgin pa talaga sa talagang GAY BAR. Pagpasok pa lang namin, nahilo na ako. Sobrang ang langsa ng kapaligiran. Hahahahaha :D Pirst taym ko ring makapasok sa isang diskoral na puro mga lalake ang sumasayaw kaya naiskandalo ang lola nyo! Hahahaha :D Maliit lang pala sha. At ang libog ng mga tao, as in fotah talaga! :D Grabe, sobrang windang talaga ako ever! Mas nawindang pa ako kesa girl frenship namin. Tsaka yak ha, yung iba nananyansing. Kadiri ever talaga! Bwahahaha :D Hindi ako maka-eye contact talaga. Sobrang na-shy ako. Heniwey, so ang ginawa namin ni girl fren, nag observe na lang kami sa mga sumasayaw. Sayaw ng konti (Trance music daw ang tugtog pero pano ba yan, LSS pa ako sa Sweat Alalalalong! Hahahaha :D). Tapos after 2 oras, umuwi na rin. Ang catch, aba, nagpaiwan ang 2 magjowang bading na frenships namin. Sabi ko kay girl frenship, hayaan mo na, baka naghahanap ng ka-threesome. Di lang maka-move kasi andito tayoh.

So overall, ang moral lesson of the day ng lola, OVERRATED ang bed. Sina-sight ko ang mga tao dun and true, maraming PAPANG bading pero they're not the kind na I want to have a relationship with (Feeling! Hahaha :D). Hindi ko type ang kagwapuhan nila. Masyadong malinis at vain alam nyo yun. Hindi yun ang mga type ko eh. In fact, in real life, hindi mga pogi ang mga kras ko. Tapos, hindi rin ako dancer, mas rakenrol ako kaya di ko talaga masakyan kung bakit enjoy gumimik dun. Trulili, kung sex ang hanap nyo, madali nga lang siguro makahanap dun (pero mas okay na mag-isa ka lang para wala kang inhibitions, mahirap pag me kasama kang frenships) pero kung naghahanap ka ng BF material in the truest sense of the word like moi, parang i don't think makakahanap ako dun for myself. Tsaka parang matanda na mga nandun sa night na yun. Hahaha :D Parang di ko ka-age. Hahahaha :D

Babalik pa ba ako dun? Hindi na siguro. Trust me, mas nag-enjoy pa ako sa videoke. Pero siguro, hindi lang talaga ako sekswal na tao. Mayumi pa rin ang lola nyo. Bwahahahaha :D

Sunday, October 31, 2004

Randomness

Vakei na vakei! =) Randomness. Parang happiness! Sweetness! Sadness! Hahaha :D

Mabilis lang to...

Para kay Derrick na ex ni Slate. Bwahahaha! Taklesa!


Para kay Myrrh (Hija, marami pang ibang life hindi lang love life, okay?! :D)


Para sa mga naintriga sa "lasingin nyo siya..." line, uhm, yokong i-post kung bakit. Bwahahaha =) Basta, it's no big deal. May anecdote lang na naikwento sa akin ang frenship ko na frenship niya.

Mamaya pala magma-Malate kami ng workmates ko (girl, boy, bakla, tomboy). Day off kasi namin bukas, chos! =) Dinner lang tapos ang jologs gimmick ng taon na ano pa nga ba kundi videokey! :D (Nagpapraktis na ako ngayon ng vocal chords ko. Iwas muna sa mga makaka-cause ng throat infection. Bwahahahaha!) Kung nandun kayo, dear readers and lurkers (alam kong maraming nagtatago diyan), at gusto nyong makilala si kagandahan (bwahahaha =)), iwan nyo lang cellphone numbers nyo sa YM ko (username=chuayjai). Fasensha na, I'm not as brave as Kengkeng to post my number here. Ows?! :D

O sha, Happy Halloween na lang sa lahat! Mag-ingat sa mga multo! ;-)

Thursday, October 28, 2004

Sandwiched

Shet, bakit pa sha naging mainstream?! Nakakainez na tuloy sha. Fero he's still shagedellic (yak, so 1999) noh?!



Basta kung type nyo sya, lasingin nyo lang sha. My lips are sealed sometimes. Bwahahahaha :D

Wednesday, October 27, 2004

Para kay Patago



Ewan ko sa inyo ha pero SCQ Reload is soooo gay-friendly. Bwahahahaha. Every episode, hindi pwedeng hindi makita ang utong ni Joross. O ni Brian Tan. O ni Joseph. Ngayon ko lang nalaman na Sunday na pala siya ini-air, dapat hindi ko na ma-miss itoh! Mabuhay kayo SCQ Reload staff and Crew! Mabuhay ang mga utong! Hehehehe :D

Saturday, October 23, 2004

Jologs Break

Sensha na, pagod na kasi akong makita ang tag-board sa kailaliman ng blog na ito. Kaya mas minabuti kong magpost ng Star Circle National Teen Quest spoiler para babalik na sya sa kanyang dating kinaroroonan. Remember, ginawa ko na rin 'to dati. Meaning, credible akoh, che! :D

Magic Circle of 12

Theo of USA
Michelle of USA
NiƱo of NCR
Paw of NCR
DM of NCR
Bebs and KC of NCR
Arron of Northern Luzon
Enan of Southern Luzon
Janelle of Southern Luzon
Vanessa of Western Visayas
Erich of Southern Mindanao
Charles of Southern Mindanao

EDITED TO ADD:
I spoke too soon. Sabi ng frenship ko, balik Magic Circle of 15. Kaya, matuwa ang mga fans nina...

Franz of Cebu
Marla of Manila
OJ of Manila

Hokei! :D

Stop me!

Pigilan nyo ako! Wag nyo akong papanoorin ng Starstruck at SCQ. Nagiging pedophilia na naman ako! Lahat ng mga bata sa Starstruck, gusto ko na namang tikman. BWAHAHAHA :D Ayoko na! I'm so MJ!!!

Ito ang faves ko sa batch dish yir. (Shempre, wala akong pakialam kung me talent sila o wala! BWAHAHAHA :D)


Kevin

CJ

Benj

Pero feeling ko mananalo yung anak ni Hagibis.

Vakei Updates

Haay, thank you Kengkeng and Patago for a wonderful chat. Ablosh! :D Bwahahahaha. Nag-enjoy ako sa chikahan natin at hindi tuloy ako nakapagtrabaho dahil sa inyo, alam nyo ba yun?! Kengkeng, (ang saya talaga ng nick mo, sarap ipronounce! Kengkeng) andito ka na ba sa Maynila?! Di ba ililibre mo ako sa Malate?! BWAHAHAHAHA :D

Update ko pala dun sa Malate, WALA. WALANG NANGYARI. Hindi kasi ako pwede nung Saturday kasi hindi ko pa day-off. Bwahahaha. Chima-a ang lola nyo. Nung Monday lang ako nag-day off. Unexpected day-off pa. Kaya tinext ko agad friend ko. Sabi nya hihintayin daw nya ako sa GB3 with another friend na di ko pa na-meet. Shempre, naka maids clothes lang ako nun papuntang GB3 kaya it's so dyahe. Hahahaha. It's so dyahe (sarap sabihin lang ulit!) Pagdating ko sa isang coffeeshop dun, hayun, nag-eenjoy na ang friend ko at ang friend nya sa pagsa-sight ng mga mhin. Yung friend nya, yun yung sexpert sa Malate. Finorce namin para mag-tour sa amin dun. It turns out di pala sya ganon ka sexpert kasi di nya alam na sarado ang Bed, Bath at Red Banana (o di ba, memorized ko na?) pag MONDAY. Ang ending, MATRONIC ang beauties namin ever. Nag-ADONIS na lang kami sa QC. Na hindi ko naman na-enjoy. Walang biro. Haaay.

Siguro ang kinatuwa ko that night ay yung nalaman ko na FUBU pala ng friend ko yung kasami naming friend niya. BWAHAHAHAHAA :D I was so naive! Ano ba itu. Kawawa naman ako. :(

Thursday, October 21, 2004

Papa Jake

Alam kong nahilo kayo diyan sa post ko sa baba, kaya heto ang mas pampahilo. Hahahaha. :D For the record, di ko sha kras kaya lang alam kong happy and gay sila ni Papa Heath sa pelikula na Brokeback Mountain kaya aabangan ko na rin siya. (At kung mga tunay kayong bakla, I'm sure me pictures na rin kayo ni Papa Heath na hubo't hubad at kitang kita ang kanyang toooot mula sa pelikulang iyun!)

Chuk CHAT Tiyenes

Bwahahaha! Ang pangit! Ang pangit ng title! Napaka-1990's. Chuk chak tiyenes kaya ending ay buntis.... Bwahahahaha :)

Ang key word kasi dyan sa title ay CHAT. Bwahahaha. Excuses. Kasi curious na curious na talaga ako dito kay Patago (see tagboard) kung sino itech. Malakas kasi ang KUTOB ko na kilala ko tong baklitang ito in REAL LIFE. Mwehehehehe. :D Vaket?!? Eh kasi naman, kung kloseta kang bading pwede ka namang mag-imbento ng pangalan dito sa internet, wala namang makakakilala sa 'yo. Pero heto, itong si Patago, tago pa rin ng tago. Dahil kilala kita noh?!? Bwahahahahaha. :D Wag kang mag-alala. Mga frendly naman ang mga bakla dito. Mga matataray at nang ookray lang ever pero mabait naman siguro yang mga yan...I think. :/

Kaya para kay PATAGO at sa inyo na ring lahat na gusto akong maka-chat, ADD nyo lang ako sa YM. Ang username ko po ay: chuayjai. O di ba, sobrang creative!?! Bwahahahaha :D Pakilala muna kayo bago ko kayo i-add hokei?! Coz I'm snobbish eh. Di ako basta bastang nag-a-add ng frens! CHOS! :D

Hala, nagalit ata sa aken si Boi Betch! Bwahahaha :D Dyok only lang po yung entry na My Wedding Song. Eh kasi itong si HANKPANK, masyadong intrigera! Bwahahaha :D Kaya pinost ko yan para malaman nyo na dyok lang (pangit ng spelling ng dyok, bwahaha!). Chaka hindi pwedeng kami ni Boi Betch dahil magsasabunutan kami pareho ng buhok (Walang sabit... :D) at magiging mala-teleserye ang buhay namin dahil magiging langit at lupa plot...Bwahahahaha! Tsaka hindi ako mahilig sa matatangkad. Matangkad kasi yang si Betch. Yung dating nanligaw sa akin, basketbolista, binasted ko nga. Kasi naman, ang laki laki. Iniisip ko pa lang, parang di ko na kaya. BWAHAHAHAHAHAHA :D Sabi tuloy ng mga frenships ko, "ANG GANDA MO! Kaisa-isa mo na ngang manliligaw, binasted mo pa!" Sabi ko naman na may paarte effect, "Ay, I don't like. He's so big. Baka he'll make balibag to me and I'll be a battered wife!" Bwahahahahahaha :D

At ikaw naman PJ Ducky, napa GOOGLE pa ako sa iyong Wallace Tik comparison saken. Di kasi ako nanonood ng Wazzup Wazzup. Hehehe. Altho kung me time ako, siguradong di ko na mapapansin si Wallace Tik kasi maglalaway lang ako kay Papa DREW. Hehehehehe. So hayun, ni-research ko kung sino itong si Wallace Tik. Tangina naman, nakakatakot ang mukha niya! BWAHAHAHAHAHA! :D Pero swak talaga kasi nakakatakot rin ang itsura ko! Bwahahahaha :D Kaya nga hindi na ako nagchachat eh (O di ba, me konek pa rin sa title?!? :D) kasi yung mga ka-chat ko, pag tinitingnan na ang letrato ko, hayun, biglang nawawala na lang na parang bula. Ni byers o paalam, wala kang maririnig. BWAHAHAHAHAHA! :D Biruin nyo, may natanggap akong message sa friendster, pinasali ba naman ako sa isang friendster group tungkol sa death at suicide and all those thingy kasi daw nakakatakot ang mukha ko!?! No stir!!!! HAHAHAHAHA :D Kaya sa mga gustong makipag-chat sa akin, chat at your own risk. Pero uy, yang si Wallace Tik, ka-eskwela ko yan nung college. Shock nga ako nagbabading badingan pala ang gagung yun.

Myrrh hijo, sundin mo ang payo ng lola mo ha. Bata ka pa kapateeed. Wag ka munang maglandi landi diyan. Nung ako ay kasing-edad mo lamang, hindi ko pa iniisip ang boyfriend boyfriend at sex-sex na yan. Enjoy mu muna ang iyong iyouth! Hehehe. (Ano ba itu, para akong naging si Miss M!)

Kengkeng (hahaha, baho ng usernick mo!) welcome back!!!!! :D Kala ko kung ano nang nangyari sa yo sa Netherlands (tama ba?! :D). Alam nyo, hanggang ngayon, di ko talaga magets bakit undaming UPPER CLASS na nagbabasa ng blog ko! Parang heller, sobra talagang never tayong magiging friendships in real life noh?! Bwahahahahah :D Pero dahil mahal nyo ako, LINK ko na rin blogs nyo sa site ko. Tangina, pinipilit ko talagang UNAWAIN ng mabuti ang blogs nina Kengkeng at SLATE, di ko talaga magets. Hahahahahaha :D

Sheht, me sense ba tong entry na to?! Parang naging BATI (letter I, hindi E) CORNER na lang yata itoh. Bwahahaha. Laterz.....

Tuesday, October 19, 2004

John Keeney

Nasa Friendster sha. Post ako ng mahaba-haba (gaga, hindi yung mahaba na iniisip nyo! =D) next tym, pramis!





Saturday, October 16, 2004

My Wedding Song

I've one other song in mind, but right now, I'm partial to Sandara Park's "Walang Sabit" —that gem of a song from the Rejoice Compilation Album. And oh, just so you know, it'll be a mountain wedding. I'm thinking maybe just before midnight. Everyone will be dressed in neon colors (para glow in the dark) and there'll be lots of santan and ilang-ilang for Jasmine Trias effect. Friends will be singing along while a marching band plays in the background. We'll definitely prepare our own vows and yes, there'll be tears but only out of pure joy. Ah, it'll be wonderful.

Walang Sabit
by: Sandara Park

Huwa'g lalaki ang ulo
sa Sasabihin ko
alam mo bang mas okey ka
kay'sa sa dati ko

Mula nang makasama ka
Ka'y raming nagbago
Kasi ang hinahanap ko
ay isang tulad mo

CHORUS:
Walang Sabit
di tulad ng iba
puro porma lang naman sila
Walang Sabit
di gaya ng dati ko
sa iyo ay sigurado ako
kay ayos na nang buhay ko
alam kung walang sabit sa'yo
kaya ako nagre-rejoice na ako
(Walang Sabit 2x)

Iba kang mag-alaga
hindi tulad ng dati ko
love na love daw niya ako
pero may sabit pala ito
ngayon natuto na ako
ang ex ko'y ni laos mo
Sa piling mo naging masaya
naayos ang buhay ko
(Rep. Chorus 2x)

Tuesday, October 12, 2004

Heller!!!

I'm vak! Double meaning intended. Hehehe. :D Grabe, ang hirap talagang kumita ng pera. Nasa workplace pa ako ngayon, pilit tinatapos ang isang deadline. Wala pa akong happy and gay materials pasensya na. I also have to survive, you know. Hehehe. Being poor and gay. That is the problem.

Na-guilty naman ako sa friend kong si Cee. Sya pa ang na-guilty. Hey Cee! It's my own personal issue! Sabi nga ni Ate Vi, it's not your fault anymore, it's my fault anymore. Bwahahaha =D If i'm free this Saturday, we shall go out.

Hay, busy sa trabaho ang Lola eh. Hindi pa nga ako nakapag-shopping. Shopping daw o!? Bwehehehe. Wala akong pang japorm clothes for Saturday kung matutuloy kami sa Malate. Siguro I'll just be in my usual JOLOGS clothes. And then I will be snubbed by the shiny happy people. And I will just stay in the background as always. Observing lang. I like to observe. Fave pasttime ko kaya pagiging voyeur noh?! =)

Windang ako this past week. Andami kong na-discover from my college friends.

Like si Troy, college blockmate and dormmate for 4 years, I found out na GAY pala. Parang huwaaaaaat?!?! =) It's like this kashe (with my fake colegiala accent), nakita kong connected sya kay JM sa friendster so I asked him, heller, do you work for OUT?! Sabi nya OO. Pero wala lang sa ken yun. Kasi media-related naman course namin so oks lang. Then nung Saturday, while my fag hag workmate/college blockmate and I were watching OUT (I just realized cutee rin pala si Jigs. Dati kasi parang yuckers coz he reminds me of marvin agustin as in like eeew! Naks, pa conyita na naman ang lola nyo! Hehehe.) I texted Troy. Text message ko sa kanya, "Hi Troy, Coleen and I are watching OUT. JM is a cutee. Are you gay?" O di ba, ang kaswal?! BWAHAHAHAHAHA :D Text back nya, "HAHA! Who's asking?" Text back ko, "Ako! Tinatanong kita!". Antagal nyang nag-reply, I swear we were waiting in bated breaths (tama ba term ko?!). Then his reply came....tadaaah.... text niya, "Yes Chuay.=) Set-up mo ako?!" We were like, OMG! OMG! Eeeeek! La lang. =)

Tapos kanina, I was having dinner with another college blockmate. Shocked pa rin ako hanggang ngayon. Ayoko nang pangalanan kasi alam kong may mga college blockmates akong nagbabasa nito but ganto lang naman ang inamin nya sa akin. Na meron syang fuck buddy. Sobrang I really tried not to scream HUWAAAAT?! Kasi wala talaga sa personality nya. She's a she pala. Truly girlalooo. I don't look down on people so I just told her, "be careful with your choice!".

Which got me into thinking, baket madali lang akong napagsabihan ng mga tao ng mga deep secrets nila?! Parang ano ba ang nasa itsura ko?! Ka-trust trust ba ako?! Eh sobra nga akong chikadora! Heto nga kinikwento ko na sa inyo ngayon! Baka mamaya, may masabihan na ako! Pero of course, I will try talaga na wag ipagkalat ang mga nalalaman ko! I mean, siguro they see me as a good person whom they can trust. Santa Santita. Bwahahahahaha =) Kung alam lang nila. KUNG ALAM LANG NILA! (Ala Ate Guy ulit pagkasabi nung last line).

Thanks muchly pala kay HankPank and Bitch (cutie sya sa pic niya in fernezzz!) for the kind WOWs (words of wisdom) sa previous article ko. I'm still not comfy with my sexuality and sometimes I need all the WOWs I can get from PLUs. Kala ko, naku, tong mga bading na to, pag kalandian mga pinu-post ko, comment ng comment kaagad! Pag seryoso na, ziiiip na mouths nila. Hmph! Bwehehehehe =) Buti na lang nag comment kayo. Wait, wipe ko lang tears ko, charoz! =P

Heller, heller, sana talaga la akong work this Sabado. Gusto ko talagang mag-Malate or kahit hindi Malate, gimik man lang with my frenships. Napaka stressful kasi work ko, kaynez! =) If ever Malate kami, sana may ma-meet ako sa inyo dear lurkers, readers, odderz, and whoeverszzzshzhz... I think we'll need a tour guide.

Pramiz, I'll post kalandian entries or pix next tym, you fair-weathered readerz! =D

Friday, October 08, 2004

Happy is Sad =(

Or nervous actually. Talagang paliit ng paliit na talaga ang net world. No thanks to my big mouth (and no, i'm not inserting a gay joke here), a personal friend found out na ako ang awtor ng blog na 'to. Argh! I'm so tanga! Hindi ako naging careful. Dapat talaga hindi ako nag post ng mga personal na bagay dito eh. Tsk, tsk, tsk. Of course the similarities are obvious. Kung anuman ang pinost ko dyan sa baba, na post ko na rin yan sa other blog ko (which I also call the pa-serious pa-artsy fartsy blog). Hay. Had no idea matagal na pala syang naglulurk dito and one plus one equals a text message saying "i enjoy reading your blogs (even the happy and gay blog)..." Whew!

This is just making me uncomfy. See, while I'm OUT to my college friends and workmates, I haven't really fully "outed" myself to my high school and elementary friends. Of course I know they know pero I just don't want to make a big deal of my sexuality. Never akong nagkaroon ng isyung ganon eh. I think kasi na kaya nagkakaroon ng sexual discrimination kasi we stereotype or brand ourselves as gays. And as gays, sometimes we tend to act (unconsciously or consciously) as to what's expected of us. Pero hindi ako ganon. Hindi ako nagbibiro when I say I'm wholesome. I don't sleep around. And i'm still conservative. Kaya lang when a gay acts like that, other people will judge kaagad na aaaah, repressed lang siya, hindi pa talaga sya comfortable with his own skin, yadda yadda yadda! And immediately think na just because I'm gay, I'm going to scream and feel kilig everytime I see someone pogi or something. And will always talk of gay topics. Or kung hindi naman ganon, at the back of their minds think na konting push lang siguro nyan, maglalandi na yan for sure! Aaaaah!

Of course, kung ibi-base naman sa content ng blog na to, ganon na nga siguro ang iisipin ng iba! Basahin at tingnan nyo naman! Puro kalandian 'tong mga nandito! :D Nasa-shatter ko ba ang gay stereotypes sa mga kalandiang pinagsusulat ko dito?! Shempre hindeh!

I'm just feeling jittery because now that I know that somebody whom I personally know knows that I write here, magiging conscious na ako sa pagsusulat ko. (Long sentence yun ah). Baka hindi na 'to magiging free form. Baka magsi self-censor na ako! Aaaah! I'm nervous!!!! Of course, she said it's a secret (and I trust her naman) pero I don't know, I'm still nervous thinking na baka dadami pang kakilala ko ang makakapagbasa nito. =( When I started this kasi, outlet lang naman talaga to eh.

Nagkapatong patong lang siguro. Just kanina, my sister invited me to accept her Friendster invite. What's next? My parents knowing that their only son is gay?!

Tuesday, October 05, 2004

Tony and Me Tonight

La lang. Lang sense ang title. Parang maganda lang pakinggan. See my profile picture? Yan ang aking Papa Tony. Akin lang sha. Wag nyong agawin sa akin. Bwahahaha :D

Seems like I spoke too soon. Mukhang two weekends from now, I will be going to Malate na. Kasi it's like this (nyeheheheh! colegiala na colegiala :D), yung classmate kong bading from high school, pupunta syang Manila tapos nagiimbita syang mag-Malate. Sosyal yung classmate kong yun. Mayaman kasi sa Visayas. Pero la siyang relatives dito sa Maynila kaya makikitira lang sya dito sa high school classmates namin na nagwuwork sa Makati. Pero enuf about him!

The problem is this.

Naks! Masarap pakinggan. Uulitin ko lang. The problem is this. Tuwing nagtitxt kase ako sa kanya, nagpapabida kasi ako! Tuloy ang akala nya ang landi landi ko na dito sa Maynila! Bwahahahah! Akala rin nya tambayan ko na ang Malate! Bwuhuhuhuhuhu! :D Ang ending, nagyayayang pumunta dun pagdating nya dito. Sabi nya i-tour ko raw siya. PATAY.

PATAY ako. Bwahahahahahahaha....

Of course di naman ako ganong ka-liar. I told him na contrary to what he expects, i'm a wholesome jologs gay geek. Pero hayun, sabi nya punta pa rin kami. Talagang naiiyak na ako. Di ko talaga kaya mga vaks. Parang napasubo na ata ako.

Kaya mga vaks, I need your help. Wag na kayong mag-suggest san kami pupunta sa Malate. Mas okay yung idi-discover na lang namin, para mas okay ang adventure.

Ang kailangan ko, tulong nyo about fashion. Ang tanong - ANONG OKAY NA ISUOT SA MALATE?! OR ANO BA ANG SINUSUOT NG MGA TAO PAG GUMIGIMIK SILA FOR THAT MATTER? Bwahahaha :D Yoko ng flashy at ayoko ng damit na hindi ako. Kasi simple lang naman ako eh. Ako ay isang baklang Filipina pa rin naman (equivalent of dalagang Filipina). Kaya GO! Suggest na kayo ng tops at bottoms (tama ba terms ko?! :D) na damit, hanggang sa sapatos at sang botika (buotique pala) sila mabibili, at sa anong mall! Uy, yung affordable lang ha. Hindi ako mayaman.

Thanks muchly! Mga vakla magreply kayo kung hindi, hindi na ako magpupost ng mga sexy letrato! Bwahahahaha :D

Saturday, October 02, 2004

Malate Virgin

The things you write para lang may mapost ka sa blog...bwahahahaha. :D

Nabasa ko kasi sa blog ni HankPank na first time daw nyang pupunta sa Malate at naghahanap sya ng mga places na masa-suggest. Sabi ko sa kanya, wala akong mai-suggest kasi the truth is NEVER pa akong nag-Malate.

Kaso, nung nag ETA (edited to add, ows, me alam rin akong ganto! take that bullish1974! hmph!) sya sa post nya at na-mention nyang pareho kaming Malate Virgin, medjo na-guilty ako kasi natandaan kong nakapunta na pala ako sa Malate. (fotah! liar, liar ba?! :D )

Pero tama pa rin siya, isa pa rin akong Malate VIRGIN. chure, nakapunta na ako sa Malate ng TATLONG beses pero hindi pa talaga ako nakapunta dun as a happy and gay vak-la out to have some happy and gay fun (redundancy is too gay, dont you think!? :D)

You wanna know why oooh whyyyy even if nakatira na ako dito sa earth ng more than dalawang dekada?!? Kase po, deep inside me, ano talaga ako, homebody. (Tama ba ispeling?!) Yak kadiri, pero yes, i'm a homebody. Hindeh talaga ako gimikera. Well unang una, hindi ako gimikera kasi wala namang akong mga frenships na gimikero at gimikera din. Mga str8 frenships ko, kuntento nang magchikahan sa bahay o di kaya ay mag-kape habang nagchihikahan pa ren. Mga gay frenships ko naman, mga matatanda na at mas gustong magpamasahe o mag-gay bar na girlie bar. Bwahahaha! :D

Of cors, hindi naman sa hindi ako nag-eenjoy dun. I mean, sa chikahan okay?! Kase di ko pa kaya at afford na magpamasahe (bwahahaha :D) altho nakapunta na akong gay bar dahil libre (shet, ba't anlaki laki ng mga titi ng mga macho dancer?! Kadiri ha!:D.) Kaya lang ngayong tumatanda ako, sometimes I wonder rin, may namimiss-out ba akoh?! Gayong ako na lang yata ang natitirang SINGLE na bading sa mundo?!?!

Second reason kung ba't hindi pa ako nakapunta ng Malate is vecoz, er, because (kainis ang dila ko!) of financial reasons. Magastos eh. Hindi ako mayaman. Isa akong pobre. At di ako nag-eexag. Kasi pupunta ka dun, magbibihis ka pa. Wala akong damit (I swear, ako na yata ang kaisa-isang bading na hindi fashion conscious at nasa fashion victim hall of fame. Erase, erase sa fashion victim kasi marami palang bading na ganon. Bwahahahaha :D ) Tsaka ang layo layo ng Malate sa QC noh. La naman akong tsikot. La rin ngang kasama. Kaya baket pa ako pupunta?! Di ba?!

Pangatlo, shy at insecure ako in real life eh. Pero i don't wanna expound on that kasi masisira image ko ditoh. (You're happy and gay Chuay! Youre HA-PPY AND GAY!!!!! Nora Aunor acting dapat pagkasabi nyan! :D)

Teka ba't ba ako nag-enumerate ng mga reasons na toh?! Siyet, nakalimutan ko kung baket. Bwahahaha. Basta yun na yun! Hehehe :D

So kahit walang connection ang next paragraph, i-enumerate ko na rin kung anong nangyari nong first three times na napadpad ako sa Malate. Hehehe ulit. :D

Yung first time, tungkol sa TRABAHO. may field work kasi kami don at dun ko lang nalaman na Malate na pala yun. Vague memory ko non eh. Natatandaan ko lang fotah, andaming fotah dito. Bwahahahaha :D Chaka andaming foreigners! Mga matatanda naman! So parang ngek! Ang pangit naman ng Malate!

Yung second time naman, gimik kami ng friends ko na mga girly girls. Gimmick nyt non at sobrang na-OP talaga ako. Ang wild ng mga tao, grabeh! Tapos dressed to kill lahat! Yung second time na yun, yun din ang first tym ko na napadpad sa Nakpil (tama ba ako? yung mga may Red Banana at Bath ba yun?!) Alam nyo, na CULTURE SHOCK talaga ako. Ang langsa langsa talaga! First time kong nakakita ng sobraaang pagkadami-daming bading in real life. Iba't ibang klase ng baaading! Eh alam nyo naman ako, homophobic kaya natakot ako. Huhuhu. :( PERO MASAYA rin naman kasi marami kaming na-discover ng mga officemates ko na ka-office namin na BADING pala (di mo akalain! bwahahaha) nung gabing yun.

Yung 3rd time, ano lang yun, nanood kami ng play sa, hala nakalimutan ko na kung saan. Republic something. Masaya ang play. Madami ding bading at tongril. Pero naiintimidate talaga ako sa kanila eh. Tsaka andaming papang bading sa Malate noh?! Nakakainis! Hehehe. Pa girl, nakakainis! :D

Sandali, nalilito na ako sa entry na to.

Ah, gusto ko lang sabihin na kahit ganito lang ang experience ko, gusto ko pa rin na sana, one day, makakapunta pa rin ako ng MALATE as a happy and gay VAK-LA. Sabi kasi ng chatmate ko, okay daw dun sa BED (pero di naman ako marunong sumayaw, tsaka i doubt kung papapasukin ako with the dress code and every thang!). Tapos sabi din nung kaisa-isa kong manliligaw (uy, nagba-blush ako, hiya me) mga 2 years ago pa yun, dapat daw pumunta ako dun. Na-shock kasi sya sa akin na at 22, nag gi-gay bar na ako. Parang hindi pa raw dapat sa age ko ang ganon.

Sabi ng mga mixed-gender frenships ko, kung wala raw kaming pasok sa November 1, punta raw kaming Malate. Excited ako in fernez although hindi ko pa alam kung matutuloy nga. Hindi ko rin alam shempre kung mag-eenjoy ako.

PERO! Who cares right?! Mag-enjoy man ako o hindi, at least, may bagong blog entry ako. At meron akong mai-share sa inyo. :D (Shet, first time ko atang mag-post na masyadong personal! Nakakahiya! UY pa-girl. Nakakahiya!!!! Bwahahaha.)

Haba nito ah tapos dinagdagan ko pa nitong last sentence. Boring! :D

Friday, October 01, 2004

I want my Steve-O!

O sha, paninindigan ko na ang aking pagiging bakya. This is my confession. (buwel0) I LUUSSST Steve-O!!!! Grabeh, di ko na kaya 'to, pero mahilig talaga ako sa mga tipong like him. Grabeh! :) Nagsimula 'to nung napanood ko ang Jackass, the Movie. Shempre di ko alam kung ano yun. Kala ko tungkol sa mga lalakeng, nagbabate. Bwahahaha :) Hindi pala. Pero oks lang kasi siyeet, I love the Jackassers! They're so cute. Weird ko noh?! They're boyly boys kase (opposite the girly girls! O di ba, me bago akong term?! :D ) Parang they're spreading manlove all around the world. Haay....

To make the long story short, panatiko ako ngayong sumusunod ng Wildboyz sa MTV. Bakla manood kayo! Masaya siya! Napaka homoerotic ng relationship nina Steve O at Chris Pontius (na me kumakalat na masturbation pics from Playgirl! Pero yoko ipost dito kasi wholesome ako! :D) Heniweyz, crush ko talaga si Steve-O! I wanna have sex with him. Bwahahahaha :) Type ko sha talaga....haaay....naloloka na ako....

Ayaw kasing magpapost ng MTV ng pics nila kaya di ko mapost dito yung daming homoerotic pics nina Steve O at Chris pero share ko yung mga nakita kong ilan sa internet. Hokey?! :D


O di ba, staring at each other by the sea. (Wholesome pa to! Minsan may simulated doggy act sila! Tama ba term ko?! Doggy act! Hihihi.


Uy, habulan scene! :D


Steve-O holding his looong ahas! :D


Machu Papa! :D


Bwahahahaha! :D Kadiri pose talaga!


Uuuy....nag-iimbita! Mahalay ka talaga Papa Steve-O!

Showing pala siya every Sunday, 4:30pm. Try nyo lang. :D

Thursday, September 30, 2004

The More, The Gayer

Aliw ako this past few days. Andami ko kasing nadiskubre dito sa blog world. Pakshet, ba't ngayon ko lang nadiskubre ang live journal ni Tukso 75?! Grabeng libog dun, hindi ako makahinga! Wholesome kasi ako eh. Hindi ko kaya mga pinangagagawa nya. Charos! :D Pero totoo ha! Hemingway, dahil sa blog na yun, na-realize ko na shet, invaded na rin pala ng mga bading ang blog world. (Uy, sensha na, wala kasi sa bokabularyo ko ang bisexual at straight curious kaya pagbigyan nyo na :D ) Kaya happy ako ngayon! Ang iba nga sa kanila nasa tag-board ko pa. Kung alam nyo lang, wala talaga akong kaalam-alam sa mga kabadingan sa mundo maliban na lang na nagnanasa ako sa kapwa ko lalake. Bwahahahaha :D Yun lang ang alam ko kaya salamat sa inyo, nabuksan ang mga mata ko. Kaya link ko na kayo! Friendship na tayo! :D Alam ko na jologs ako (bakya nga raw sabi nung isa) at di nyo ka-level pero we all have the same blood naman di ba?! Pareho tayong mga bading! Kaya mabuhay ang mga vakla! Bwahahahaha :D

O sha, naiiyak na ako dito sa Queer Manifesto ni boi_bitch! Tama na.... ayoko ng drama.... :D

Sunday, September 26, 2004

More JMs

Awwww...this deserves to be blogged. I love you Papa JM!

Btw, sumulat ako sa kanya sa Friendster and nag-reply sha saken. When I told him na halos nalaglag ako sa chair after reading the PR of OUT in Manila Standard, reply niya, "sana hindi ka nagkapasa..." Awwwww....suuuweeeet! :D Tapos when I messaged him and told him na nakita ko siya sa Powerbooks and asked him if next time, pwede ba siyang i-approach at magpapicture, ang sabi nya "sure...basta ikaw, libre...". Libre daw basta ako?! Kinilig ako. Hehehe. Double Awwwwwww! :D

Homoeroticism

Di talaga ako mahilig manood ng Survivor. Kase naman, yakkers, ang dungis dungis ng mga castaways. Kaso last Friday, pinwersa ako ng friend ko to watch with him. Ayaw ko sana pero sheht, dumating yung rewards challenge, tangna, na L ako bigla. Bwahahaha. Di ako magaling magdescribe ng challenge pero na search ko sa net mga GIF ng mga pinanggagawa ng tribe ng mga guys. Kayo na bahalang magisip kung ano ginagawa nila! Hehehe :D





Saturday, September 18, 2004

Torpeda's Lucky Day

No, hindi 'to tungkol kay Lucky Manzano. I'm over him na. Hehehe :) He's just all over kaya nademystify na sya sa aken. Tama ba ang paggamit ko ng word na demystify? Or me word ba na ganon? Neway, consider it a new gay lingo na lang pag walang word na ganon. Bwahahaha.

Pumunta kasi akong Mega kahapon to meet some frenships. Shemps, commuter lang naman ako so MRT ako at daan muna Powerbooks para shortcut. Eh naalala ko na me baby shower pala akong aattendan. So hanap muna ako regalo dun. Sabi kasi nung preggy fren ko, gusto nya DVD na pwedeng panoorin ng baby nya later on. So punta akong DVD section ng TOWER. And guess what?!?! ARGH!!!!! Nakita ko si Papa JM Cobarrubias!!!!!! :D Andun sya with other shiny happy gays! Nakita ko rin si Jigs pero shemps may I sight lang ako kay JM ever! Well, di pala sha ganon kapogi in person. But oks lang, pwede nang karerin. Pero shemps, torpeda ako kaya hanggang sight lang. La akong guts magpa-autograph! Bwahahahaha two times.

So yun, kinilig na ako dun. Ang babaw ko I swear.

After which, punta na ako to meet my friends. Dinner kami tapos puntang Starbox after. Shempre jologs ako di ba, so may I sight ako sa mga conyong kapapahan sa paligid. THEN I SAW HIM. Grabe na ito! Si Sexy Rexy! Bwahahahahahaha :) Si Sexy Rexy lang naman ay ka-chat ko dati sa internet na naging sobrang chatmates ko na tapos naging ka-FRIENDSTER ko pa. Ang cutie nya in fernez. Tsaka di sya mukhang snob. He was with his officemates ata. Shemps, tinext ko sha agad, sabi ko "wer u?" Eh di nagreply kaya sadness ako. Neways, kung di ko lang talaga kasama friends ko nun, magkaka-guts talaga sana ako to make lapit sa kanya. Kase dyahe naman pag lalapitan ko sya tapos may may i raise the eyebrows sya tapos sasabihin ko "ako yung chatmate mo"! Di ba sobrang geeky naman non?! Hahahaha :D Pero di ko sya crush ha! Gusto ko lang talaga shang maging friend. I want gay friends kasi na ka-age ko. Mga gay friends ko kasi mga matrona na. Tipong gay bar at masahian lang ang bokabularyong nalalaman. Yakkers naman non. Wholesome ako noh?! Charing!

Umuwi na ako ng bahay, madaling araw na yun, nang may biglang nagtext! Si Sexy Rexy!!!! Sabi nya, megamol daw sya kanina. Sabi ko, BWAHAHAHAHA, I saw you. Starbox. Hayun, sinabihan ba naman ako ba't di ko raw sya nilapitan. Hay. Sayang talaga. Grrrr. Ugh, ugh, ugh! Torpeda ka kasi! Torpeda!!!!! :(

Sunday, September 05, 2004

Tunay na Papa!

Ohmeeegash! OHMEEEGASH!!!! Halos malaglag ako sa aking kinauupuang silya kahapon nang mabasa ko ang PR ng Coming Out ng Siyete. Si JM Cobarrubias! Ang aking pinakamamahal na JM Cobarrubias ay isa palang kapateeed! Grabe! Hindi ako makapaniwala. I swear! Kung kayo ay panatikong nagbabasa na aking diary ay alam nyo naman siguro na crush ko lang naman siya di ba?! In fact, kung nabasa nyo ang first entry ko, alam nyo nang I heart him!

Oh shet! Pano ba ako mag-react nito! Shempre happy ako para sa kanya! Kasi at least, happy and gay na rin sha! Pero noooo....andami ko nang kaagaw nito... For chure marami nang mga bading na manliligaw sa kanya! bwahahahahah :) Selos ba ever?!

Basta, JM, isa kang tunay na Papa! Kung san ka masaya, susuportahan taka! Mabuhay ka kapateeeed! :)