Hay, I wrote too soon. Habang nagsurf ako ng mga blogs kanina, nabasa kong pupunta sa Oblation Run sina Becky Toffee at Becky Advent. Hahahahah :D Vakei is so last week. Becky is IN! Eh natandaan kong tinext ako ni Advent pagkatapos nung meet up nung Sabado na gusto nyang manood ng Oblation Run kaya may I text ako agad sa kanya kung tuloy ba sila ni Toffee. Sabi nya yes kaya kahit na andami ko pang labada at paplantsahin bilang chimaa, wa care! GO to Oblation Run ever! Sabi nga ni Becky Advent, pagdating sa kanotahan, go lang ng go! Hahahahahaha :D That time, nagkataon din na tinext ako ng aking Ate Becky sa trabaho at nandun na pala siya sa peyups. So sabi ko sa kanya, chure, kita tayo tapos meet natin blogger frenships ko. Hayon, nawala sina Becky Advent sa sea of haliparot and maelyang girls, boys beckys and tiborcias kaya di kami nagkita sa Oblation Run mismo. Pero shempre enjoy ang matronix diva nyo with Ate Becky. Dalawang beses dumaan sa harap namin ang mga running titi's kaya happiness! Sigaw ako ng sigaw, kunyari naeeskandalo! Hahahaha :D Heto pa, yung pangalawang beses nilang pagdaan, natanggal ang maskara nung isang running titi kaya kailangan nyang tumuwad para kunin ito. Shempre yung mga nasa likod nyang running titis kailangang mag-stop for a while. And nag stop and talk a while sila sa harap namin ever!!!!! Hahahahaha! Blushing lola ang drama ng Lola Chuayjai nyo. Okay lang mga titis nila. Pinoy na pinoy! Hahahahah :D Yoko nang magcomment, eskandalosa na ang post na itoh!!!!
Heniway, after the Oblation Run, nagkita na rin kami sa wakas ni Becky Advent. Me kasama siyang officemate, si Becky Toshi. Mukhang nag enjoy ang dalawang Bru! Hahahaha :D Pero wala si Becky Toffee, hano kayang nangyari dun? Hayun, intro ko sila sa aking Ate Becky at lunch kami sa Chateau Verde. Chika galore ever! Becky talk to the max!!!! :D Nakakahiya nga kasi yung resto na yun, mga 60's-70's (edad yun) yata ang market at kami lang ang mga bata, mga noisy beckys pa, nakakakaloka!!!! Hahahahaha :D While kain kami, dumating na rin ang isa pang Becky friendship ni Advent, si Becky Paolo. Mmmmmmm....I smell karir! UTANG NA LOOB HINDI AKO HA, kundi isa sa mga beckys dun. Hahahahahahahaha :D Feeling ko pa naman siya yung type ng aking Ate Becky. I want my Ate Becky to be happy kasi. Nung papunta na nga kami sa kotse ni Ate Becky, pinaupo ko si Becky Paolo near the driver's seat. Pero shempre, parang iba ang karir ni Becky Paolo. Hahahahahaha :D Hano ba, masyado akong eskandalosa!
Kelangan kong pumunta ng Ali Mall (ALI MALL! Hahahahaha! Becky na becky!) to do some personal stuff (yikes, to do some personal stuff) and the other Beckys were kind naman to accompany me. Hinatid lang kami ni Ate Becky dun and hayun, chika na na naman kami ever. Mga kabeckyhan, ano pa nga bah! Tapos yun, punta kaming Gateway, chika chika chika.... Hahahahaha :) Hayon dahil sa kaelyahan ko, hindi ko na naman matapos tapos ang trabaho ko. Sana naman matapos ko na ngayon para magka day-off ako. Haaay, hano pa ito, 2nd meet up in a week! Napagod ang lola nyo. Pero sabi ko nga sa sarili ko, sige na nga, meet na lang ng meet ng mga bagong Beckys hoping na finally ma-meet ko na rin ang Papa Becky na para sa aken. Charrooooos! Hahahahahahah :D
Hay nakoh, sana nga talaga matapos ko na tong trabaho ko tonight. May gusto kasing makipag-meet up sa Sabado. Hano ba to, karir ever! Last na talaga to for this year! Last na to, I hope! Ang landi landi ko na! Hahahahahahah :)
No comments:
Post a Comment