Hahaha! I love the title. Bitch! :D Pero swak na swak talaga to describe urs trulili. Sa edad kong beinte cuatro, ako ay birhen pa sa napakaraming bagay na ukol (which rhymes with bukol:D) sa kabadingan. Ang sinasabi ko lang naman, MYRRH hija, wag kang masyadong desperada, pwede?! Kasi baka agawan mo pa ako ng title ko!!! I don't like! Bwahahahaha :D
Of cors, marami akong insekuridad sa pagkatao ko at sa aking panlabas na anyo kaya parte na rin siguro yun ng rason kung bakit ako matronix. Pero malakas rin siguro ang kadahilanan na ako ay lumaki sa isang konserbatibo na lipunan. Na ang sekswal na usapin ay taboo kumbaga. (At di ko na rin magets ang sarili ko ba't ang lalim ng aking Tagalog. Hahaha :D)
Latebloomer ang lola nyo kasi. Kung noong high school ay may gender issues na kayo, ako, wala. Hahaha :) Never ko talagang pinroblema ang aking pagiging vakei nung high school. I was just being me and hindi ko masyadong kinahon ang sarili ko kahit na may pangungutya na mula sa iba. Siguro ang pinakabrush ko lang ng kabadingan sa high school ay noong ako ay nahipuan sa sinehan habang nanonood ng Batang X. Bwahahahaha :D Nakakatawa man pero totoo, nahipuan ang inyong lola sa murang edad na kinse at dun namulat ang aking mga mata na meron palang kalaswaang nangyayaring ganon. Shempre, na-trauma ako dahil dun at baka hindi lang ako conscious nito pero siguro naging dahilan yun kung bakit nagiging homophobic HOMO ang lola nyo. Hehe :D In short, hanggang ngayon, mas comfortable ako sa mga babae o straight na mga kaibigan. Gusto ko ako lang ang bakla. Ayoko ng may ibang bakla. Hahahahaha :D Kala ko nga yung harassment na yun, di na yun mauulit. Aba, nung college na ako, sa UP Film Center mismo, nangyari na naman! Talagang napamura na lang ako sa galit at inis! Lesson learned: Pag nanonood ka ng sine na mag-isa, umupo ka katabi ng isang family (o di ba wholesome?! :D) o di kaya ay tumabi ka sa mga magjowa (wawa nga lang ang magjowa dahil hindi sila makakaiskor dahil nandun ka! Bwahahaha :D)
Alam nyo naka-tira na naman ako! Bangag na bangag na naman ang dating nitong pinagsusulat ko! Haha :D
Nung year 2002, dun lang ako naka-experience ng isang semblance of a lovelife (na di na naulit up to ngayon.) Naglalakad ako nun sa Philcoa papuntang Mercury Drugstore nang biglang meron akong nakabanggang isang lalake (ang tangkad niya, like shoulder length lang ang height ko sa kanya) at nagkatinginan kami ng konti. Laking gulat ko na lang ng sinusundan na ako ng binatang yaon. Natakot ang lola nyo. Nung lumapit na siya, sabi ko, "sorry po, hindi po ako naghahanap ng colboy!" HAHAHAHA :D Na-offend ang lola. Sabi ba naman sa akin "Hindi ako colboy, gusto ko lang makipagkilala." Hayun, to make the long story short, nanligaw si ISKO. Isa syang delinquent UP Psych student that time.
Gusto ko mang magkajowa pero ewan ko ba, naaasiwa ako sa panliligaw nya. Well, unang una, hindi ko sya type kaya siguro ganon. Pero pangalawa, natatawa kasi ako kasi napaka-cliche ng panliligaw nya. Aral sa textbook at pelikula ang lola nyo kaya natatawa ako kasi parang heller, parang nabasa ko na 'to o napanood sa sine. Sobrang cliche at formulaic, nakakatawa na kumbaga. Ang bastos ko pa nga, tumatawag siya sa telepono minsan sa office para lang itula sa akin ang POEM na sinulat niya pero ang lola, pag tumutula na siya, binibigay ko ang telefono sa officemate ko. Kukunin ko na lang ulit pag tapos na siyang tumula. Hahahaha :D Alam ko ang sama ko kaya lang baka kasi matawa ako sa kakornihan ng sitwasyon! Hahaha :D To make things worse, he calls me "pangga!" as in yakkers talaga! Bwahahaha :D Tapos ano pa nga ba ulit yun, ayun nagbibitaw siya ng mga "I wanna grow old with you" na linya na talagang nakaka-OFF. Ang CORNY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Eeeeeeh! Hehehehe :D In the first place, mas bata sya sa akin ng 2 taon, tapos ganon na ang lines nya. Kadiri ha!!! :D
Ang last straw talaga ay yung supposedly magmi-meet kami for CINEMANILA. Megamol pa ang cinemanila noon. Ang palabas, Amores Perros. Aba, nung nasa megamall na kami, gusto nya siya ang magdala ng bag ko! Gusto pa niya akong akbayan!!! Sabi ko, please, pwede ko namang dalhin ang bag ko eh!!! Tapos pwedeng pakibaba ng kamay mo sa balikat ko?! (ALAM KO, iniisip nyo, ang ganda naman ng lola nyo! Hahahahaha :D). Naaasiwa na talaga ako kasi pinagtitinginan na kami ng mga officemates ko. By the way, planting yung moviehouse scene sa taas ha, kasi nung nanood na kami ng Amores, aba, si Mr. Suitor, kung saan saan na nakaabot ang mga kamay. To make the long story short na talaga, pissed off ang lola nyo! Amores Perros yung palabas! Amores Perros yun! Respetuhin mo naman! Hahahahaha :D
Sabi ng frenships ko, "ang ganda mo! kaisa isa mong manliligaw, binasted mo pa!". Nakakatawa nga namang isipin. Pero iniisip ko rin, hindi ako ganon ka desperado noh?! Marami pang LIFE kesa LOVE LIFE o SEX LIFE (Take that Myrrh!:D) O siguro nga naman, talagang hindi pa ako handa. Or baka naman dahil talagang wala akong nararamdaman sa kanya!!! As simple as that!!! At yes, oo, I admit insecure din ako. If I remember, one time, tinanong ko siya, "sigurado ka ba sa ginagawa mo sa akin? I mean, do you picture US having sex?" Sabi nya, "Oo naman! Ikaw ba hindi?" Hindi ako makasagot. Kasi ang magiging sagot ko sana ay HINDI.
Ah shanga pala, fatso ako nung year 2002. Sabi nya sa akin, gusto nya ako coz I look like Vandolph (before the accident daw). PFFFT!!!! Yun pala! Yun ang dahilan kung bakit sya nabasted. HAHAHAHAHA :D
P.S. I'm so trying hard to look for pics of the 2 JCs - Cuadrado and Gonzales pero la akong mahanap. Help me please! :D
No comments:
Post a Comment