Hay, lang pumapasok sa utak ko. May deadline ako bukas pero walang pumapasok sa utak ko. (Oo na! Sinabi mo na sa first sentence na walang pumapasok sa utak mo, pwede?!?!). Naisip kong magpost ng mga larawan pero tinatamad akong maghanap. Ito ang mga hina-hunting ko ngayon...
JC Cuadrado - Tinitext ako dati ng college blockmate ko na mahal nya tong tadjock na 'to pero di ko kilala eh. Tsaka di ako napogihan at first glance. Taena, ang pogi pala niya sa personal! :D
JC Gonzales - Taena si Bianca, koyah pala nya ito! Di ko talaga sha type kasi masyadong elitistang upper class ang dating niya kaya lang one time, tumawag siya sa phone ko kasi meron silang ifi-feature sa Digital Tour na kasama ko sa trabaho. Siguro naibigay sa kanya nung SP nila na dati kong kaklase sa Peyups ang numero ko. Na tongue-tied ako nung sinabi niyang si JC Gozales siya. Kras ko na siya after....awwww :D
Sarge ng Survivor Vanuatu - Sabi ng frens ko I'm sick daw. I find him cute. Bwahahahahaha! :D
Kirby and Chris ng Starstruck - Sila na ang bets ko. Ayaw ko dati kay Kirby kasi typical meztizo cutie pero me "dark" aura akong nakikita sa batang ito. Kaya nahumaling ako bigla. :D Si Chris naman, lalaking lalaki. Di tulad ni Mike Tan. Hehehehe :D Honga pala, ballet lessons daw sila sa Monday. Naku, bukol galore ito! Dapat ma-record para maslow mo sa bukol parts! Bwahahahahaha :D
Mhyco Aquino and Rodjun Cruz ng Anim-E - Jologs MJ in the making na ba talaga ako?! I just found out their names today. Cutie sila. I heart them! :D
Malapit na pala First Birthday ng blog ko. Mga Vaks, ANONG REGALO NYO SA AKIN?! Wink, wink! ;)
EDITED TO ADD: Katatawag lang ni Kengkeng. Ang Kengkeng ay isang napaka kengkeng na vakla at ngayon ay nasa Boracay kasama ang kanyang Foreigner na Papa! Hahahaha :D It was super nice talking with you Keng! Mag happy pechay ka diyan sa Bora (naks, Bora) wokei?! :D Sana nga magkita tayo before ka bumalik ng Belgium. Sosyal ng ate, opera singer ata sa Belgium. Social climber din ako, gusto kong magka-friendshep ng isang opera singer from Belgium. Galing galing siguro nitong si Keng humawak ng mikropono. Bwahahaahahaa :D
No comments:
Post a Comment