Saturday, October 02, 2004

Malate Virgin

The things you write para lang may mapost ka sa blog...bwahahahaha. :D

Nabasa ko kasi sa blog ni HankPank na first time daw nyang pupunta sa Malate at naghahanap sya ng mga places na masa-suggest. Sabi ko sa kanya, wala akong mai-suggest kasi the truth is NEVER pa akong nag-Malate.

Kaso, nung nag ETA (edited to add, ows, me alam rin akong ganto! take that bullish1974! hmph!) sya sa post nya at na-mention nyang pareho kaming Malate Virgin, medjo na-guilty ako kasi natandaan kong nakapunta na pala ako sa Malate. (fotah! liar, liar ba?! :D )

Pero tama pa rin siya, isa pa rin akong Malate VIRGIN. chure, nakapunta na ako sa Malate ng TATLONG beses pero hindi pa talaga ako nakapunta dun as a happy and gay vak-la out to have some happy and gay fun (redundancy is too gay, dont you think!? :D)

You wanna know why oooh whyyyy even if nakatira na ako dito sa earth ng more than dalawang dekada?!? Kase po, deep inside me, ano talaga ako, homebody. (Tama ba ispeling?!) Yak kadiri, pero yes, i'm a homebody. Hindeh talaga ako gimikera. Well unang una, hindi ako gimikera kasi wala namang akong mga frenships na gimikero at gimikera din. Mga str8 frenships ko, kuntento nang magchikahan sa bahay o di kaya ay mag-kape habang nagchihikahan pa ren. Mga gay frenships ko naman, mga matatanda na at mas gustong magpamasahe o mag-gay bar na girlie bar. Bwahahaha! :D

Of cors, hindi naman sa hindi ako nag-eenjoy dun. I mean, sa chikahan okay?! Kase di ko pa kaya at afford na magpamasahe (bwahahaha :D) altho nakapunta na akong gay bar dahil libre (shet, ba't anlaki laki ng mga titi ng mga macho dancer?! Kadiri ha!:D.) Kaya lang ngayong tumatanda ako, sometimes I wonder rin, may namimiss-out ba akoh?! Gayong ako na lang yata ang natitirang SINGLE na bading sa mundo?!?!

Second reason kung ba't hindi pa ako nakapunta ng Malate is vecoz, er, because (kainis ang dila ko!) of financial reasons. Magastos eh. Hindi ako mayaman. Isa akong pobre. At di ako nag-eexag. Kasi pupunta ka dun, magbibihis ka pa. Wala akong damit (I swear, ako na yata ang kaisa-isang bading na hindi fashion conscious at nasa fashion victim hall of fame. Erase, erase sa fashion victim kasi marami palang bading na ganon. Bwahahahaha :D ) Tsaka ang layo layo ng Malate sa QC noh. La naman akong tsikot. La rin ngang kasama. Kaya baket pa ako pupunta?! Di ba?!

Pangatlo, shy at insecure ako in real life eh. Pero i don't wanna expound on that kasi masisira image ko ditoh. (You're happy and gay Chuay! Youre HA-PPY AND GAY!!!!! Nora Aunor acting dapat pagkasabi nyan! :D)

Teka ba't ba ako nag-enumerate ng mga reasons na toh?! Siyet, nakalimutan ko kung baket. Bwahahaha. Basta yun na yun! Hehehe :D

So kahit walang connection ang next paragraph, i-enumerate ko na rin kung anong nangyari nong first three times na napadpad ako sa Malate. Hehehe ulit. :D

Yung first time, tungkol sa TRABAHO. may field work kasi kami don at dun ko lang nalaman na Malate na pala yun. Vague memory ko non eh. Natatandaan ko lang fotah, andaming fotah dito. Bwahahahaha :D Chaka andaming foreigners! Mga matatanda naman! So parang ngek! Ang pangit naman ng Malate!

Yung second time naman, gimik kami ng friends ko na mga girly girls. Gimmick nyt non at sobrang na-OP talaga ako. Ang wild ng mga tao, grabeh! Tapos dressed to kill lahat! Yung second time na yun, yun din ang first tym ko na napadpad sa Nakpil (tama ba ako? yung mga may Red Banana at Bath ba yun?!) Alam nyo, na CULTURE SHOCK talaga ako. Ang langsa langsa talaga! First time kong nakakita ng sobraaang pagkadami-daming bading in real life. Iba't ibang klase ng baaading! Eh alam nyo naman ako, homophobic kaya natakot ako. Huhuhu. :( PERO MASAYA rin naman kasi marami kaming na-discover ng mga officemates ko na ka-office namin na BADING pala (di mo akalain! bwahahaha) nung gabing yun.

Yung 3rd time, ano lang yun, nanood kami ng play sa, hala nakalimutan ko na kung saan. Republic something. Masaya ang play. Madami ding bading at tongril. Pero naiintimidate talaga ako sa kanila eh. Tsaka andaming papang bading sa Malate noh?! Nakakainis! Hehehe. Pa girl, nakakainis! :D

Sandali, nalilito na ako sa entry na to.

Ah, gusto ko lang sabihin na kahit ganito lang ang experience ko, gusto ko pa rin na sana, one day, makakapunta pa rin ako ng MALATE as a happy and gay VAK-LA. Sabi kasi ng chatmate ko, okay daw dun sa BED (pero di naman ako marunong sumayaw, tsaka i doubt kung papapasukin ako with the dress code and every thang!). Tapos sabi din nung kaisa-isa kong manliligaw (uy, nagba-blush ako, hiya me) mga 2 years ago pa yun, dapat daw pumunta ako dun. Na-shock kasi sya sa akin na at 22, nag gi-gay bar na ako. Parang hindi pa raw dapat sa age ko ang ganon.

Sabi ng mga mixed-gender frenships ko, kung wala raw kaming pasok sa November 1, punta raw kaming Malate. Excited ako in fernez although hindi ko pa alam kung matutuloy nga. Hindi ko rin alam shempre kung mag-eenjoy ako.

PERO! Who cares right?! Mag-enjoy man ako o hindi, at least, may bagong blog entry ako. At meron akong mai-share sa inyo. :D (Shet, first time ko atang mag-post na masyadong personal! Nakakahiya! UY pa-girl. Nakakahiya!!!! Bwahahaha.)

Haba nito ah tapos dinagdagan ko pa nitong last sentence. Boring! :D

No comments: