Thursday, March 31, 2005

Papa Gian

Alam kong namimiss nyo na ang mga mahahalay na pics kaya hetong sa inyo! Hahahahahahahaha! :D Sha si Papa Gian. Walang Sabit BF ni Sandara, Tadjock at TV Idol. Kras ko sha. Graveh! Tenk yu sa frenship ko for sharing me these katissue tissue na retrato! Hahahahahahahahaha! :D

Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com

Sunday, March 27, 2005

Kabadingan

Tinry na kitang kalimutan eh. Hindi na nga kita tinitext. Nagpaka workaholic ang lola mo. Kinilig ako nung binigyan mo ako ng tatlong fruits nang minsang pumunta ka ng Davao (I love you daw meaning nun sabi ng lovefool friendship ko) pero since straight ka, so wiz na! Period na as in tuldok!

Tapos bigla kang nag-text. Nag-iinvite na mag videoke last Holy Tuesday. Okay lang, sabi ko. Wala na naman akong na-feel sa yo eh. Emotionally detached na ang lola. Antagal mag reply nung isa mong ininvite. Nag joke ako. Sabi ko, kung tayong dalawa na lang kaya. Sabi mo, mas masaya sa Cable Car pag marami. So inisip ko, wala talaga. Kakalimutan na kita.

Masaya sa Cable Car. Na-noticed ko pa na naiilang ka pag tinititigan kita habang kumakanta ka ng Gary V at Piolo. Tinawagan ako sa fone ng lola boss ko so nag excuse me ako. Matagal ako sa fone sa isang corner. Nilapitan mo ako para pabalikin na sa videoke floor. Ayaw mo ba na wala ako sa tabi mo? Kinilig ako for a while pero of course, sabi ko, dapat emotionally detached. Straight ka nga! Hindi tayo talo!

Okay na sana eh. Hinatid mo na ako sa taxi. Okay na. Wiz na. Sabi ko good night. Pasakay na ako. Okay na. TAPOS bigla ka ba namang bumulong ng mabilis na "fuck you!" Ano yun?! Tinanong nga kita! Sabi ko, "Ano?" Tapos biglang bawi ka. Sabi mo joke lang. Joke nga lang naman. Pero tinamaan ako dun, pakshet ka! Ayoko na! Ayoko na.

Sunday, March 06, 2005

Battle of the Bukol

Uy, sorry talaga sa mga Survivor fans pero tuwing nakakapanood ako nito, di ko talaga magets kung anong klaseng game sha. Di kasi ako makafocus eh. :P