Sunday, September 05, 2004

Tunay na Papa!

Ohmeeegash! OHMEEEGASH!!!! Halos malaglag ako sa aking kinauupuang silya kahapon nang mabasa ko ang PR ng Coming Out ng Siyete. Si JM Cobarrubias! Ang aking pinakamamahal na JM Cobarrubias ay isa palang kapateeed! Grabe! Hindi ako makapaniwala. I swear! Kung kayo ay panatikong nagbabasa na aking diary ay alam nyo naman siguro na crush ko lang naman siya di ba?! In fact, kung nabasa nyo ang first entry ko, alam nyo nang I heart him!

Oh shet! Pano ba ako mag-react nito! Shempre happy ako para sa kanya! Kasi at least, happy and gay na rin sha! Pero noooo....andami ko nang kaagaw nito... For chure marami nang mga bading na manliligaw sa kanya! bwahahahahah :) Selos ba ever?!

Basta, JM, isa kang tunay na Papa! Kung san ka masaya, susuportahan taka! Mabuhay ka kapateeeed! :)

Saturday, August 21, 2004

Ur d man!

Hay, nanonood ako ngayon ng grand finals ng TV Idol sa MTB Ang Saya Saya. I think love ko si Marc Cortez. Hindi sya pogi in the most pogi sense pero heart ko sha. Grabe. Pedophile na naman ako. Hehehe. :) Feeling ko parang dapat ko nang palitan ang titulo ng blog ko na Happy, Jologs and Gay. :D

Monday, August 16, 2004

Joross ko!!!

Mga pictures ni Joross sa SCQ Reload. Mmmm...sabi ng fren ko palagi raw shang nakahubad dun...makapanood nga! :D Enjoy all!


Thursday, August 05, 2004

Gusto kong maRancic!


Mga vaks! Nanonood ba kayo ng The Apprentice sa ABC 5?!? :) Grabe, Bill Rancic is just soooo hotness talaga. Sana more shots of him in his sweat shorts tulad nung last eppy! Hahahaha :D Lust him na talaga.

Sunday, July 25, 2004

Ethan Zohn

Gaano ka ka-bakla?

Isa sa mga kinaiinisan kong basahin sa mga online journals ay 'yung mga entries na ang nakalagay ay mga sagot lang kung ano o sino sila based sa answers nila sa mga self-discovery quizzes na naka-link dun sa entry.  I mean, heller?!!?!  Narcissism?!?! (Tama ba spelling at paggamit ko ng word? :D)   Kaya lang, la akong malagay na entry ngayon eh.  Depressed at tigang at pagod at bored pa rin ang lola nyo. Kaya if you can't beat 'em, then join 'em na lang, sabi nga ng isang cliche na expression.  Sa mga gustong maaliw, take nyo na lang quiz na 'to
 
Sa mga curious kung anong result nung sa akin... 50%. :)


Sunday, July 11, 2004

Walang Gana

Uy sensha na mga bakla, alam kong nadidisappoint ko kayo kaya lang mahina talaga libido ko ngayon eh. Talagang kailangan nyo na akong tulungan. Kailangan ko na talagang makatikim para todo hataw na naman ang blog na to. Bwahahahaha :D Pero yun nga, la akong gana. La akong crush. Waaaaaah! Kawawa naman aketch. Kawawa naman ang lola. :D

Neways, jologs ko pero TV marathon ako ngayon. Naispatan ko ang Seasons of Love. Yakkkers! Alam ko, pero i think crushie ko si Dustin Reyes. Bwahahahaha :D Sha yung sa MAgpakatotoo Ka na commercial dati ng Sprite. In fairness saken, di ko talaga sya type physically kaya lang nakatrabaho ko kasi sya before. At ewan ko ba pero madali akong nahuhumaling sa mga goody two shoes na Fil-Ams. Andami ko nang crush before na Fil-Ams. Screw imperyalismo talaga! :D Neways yun kasi si Dustin. Tsaka mahilig sha sa broadway. Pero hindi sha marunong magbasketball. Teka, teka, hmmmmmm..... :D

Tapos kanina, I chanced upon Amazing Race sa Studio 23. Parang crushie ko rin si COlin at Donny. Si Colin kasi lalakeng lalake. at parang ayos na ayos ang buhok. More than that he reminds me of Peter Krause ng Six Feet Under. Si Donny naman, he's effete cute. Hehehehe :D

Am I pathetic na? Puro mga nakikita ko na lang sa TV ang crush ko!? Waaaaa!!!! Naiiyak na naman ako. :( I should be happy and gay, you know!

Saturday, July 03, 2004

Papa Has Beens

Chugi ha! Demanding ka na, lola! La akong masyadowng update kasi ... ah wala, secret. :) Hemingweys, natutuwa naman ako dito sa programa ng GMA 7 na 30 Days. Biruin mo, halos lahat ng mga pinagnanaasan kong papa na laos na, kasali. Hehehehe. Jao Mapa (sayang back-out siya), Diego Castro, Dale Villar, Biboy Ramirez, William Thio....aaaaaaaaaaaah!!!! Alam ko, ang jologs jologs ko! Sana mala Big Brother ito! Meaning: pakitaan ng katawan. BWAHAHAHAHA! Or baka naman Big Sisters. Parang malangsa yung iba sa kanila, ewan ko. :D

Saturday, June 26, 2004

F&ckin Drew!!!!

Aaargh!!!! Pakshettt!!! Leche!!!!! Tanginaaaaaaaaaa!!!!! Dagdagan nyo pa ng mura! I saw Drew Arellano again yesterday. He's so hooot, hooot, hoot, even if he looks like Ron Weasley, although crushie ko rin si Rupert Grint. AAAAAAAAAAAH!!!!!! Be gay, Drew! Be happy and gay please!!!! :D

Thursday, June 17, 2004

Bend it Like Beckham

Mga bakla, na miss nyo ko noh?! Aminin! :) Ako rin, na miss ko rin kaelyahan ko hay. And as usual, tigang pa rin. Virginal beauty ever. Kung me lalake kayo dyan, baka pwede nyong i-share. Hahahahaha :) Ano? Dare? :D Hemingways, type ko rin ang mga soccer players na fafas. Ewan ko ha. Kung papipiliin ako between soccer and basketball guys shempre sucker, ester, soccer ang pipiliin ko. :) Di ko na mabilang kung ilan ang mga naging crush (naks, pa girl, crush) ko na soccer players. Kaya heto, tikman nyo na asawa ni Lola Posh spice. Slurrrrrrrp! :D





Tuesday, June 01, 2004

Big Picture



Hindi rin naman ako puro nerdy nerdy tigang chivarloh noh!?! Once in a blue moon, me type rin akong hunky hunk. Actually mas cute sya sa Close Up o Colgate commercial ba yun?! Basta, mga vakla, pagnasaan nyo muna pic nya dyan. Wala kasi akong makitang wholesome pic eh (Chos! :) ) Yummy yum, yum talaga si Marco Grazzini! Pahingi ng kanin!